Quezon City Lodge No. 122
This coming Saturday Feb.13, 2010 at 3:00pm is the 62nd Public Installation of Officers Masonic year 2010 - 2011 ng Quezon City Lodge No. 122 sa Capitol Masonic Temple dyan sa Matalino St., corner Kalayaan St., Diliman Quezon City.
Si Bureau of Immigration Commissioner Marcelino C. Libanan ang kanilang guest speaker samantala si Very Worshipful Regilio “Junjun” Gevero, Jr., DGL, ang installing officer nila.
Ang mga bagong official ng Quezon City Lodge No. 122 ay sina Worshipful Master WM Godo Velarde na pumalit kay WB Alden Y. Bait, PM, Senior Warden Bro. Benito Se Jr., Junior Warden Bro. Danieve Binsol, Treasurer WB Arsenio Torres Jr., PDGL, Secretary Bro. Waldeness Frondoza, Auditor VW Dennis Gabionza, Chaplain Bro. Nicholas Anthony Chua, Marshall Bro. Virgilio Algador, Senior Deacon Bro. Eugene Tolentino, Junior Deacon Bro. Girard Gaspar, Orator VW Jose Gabionza Jr., Almoner VW Jerome Gabionza Jr., Lecturer VW Luis Reyes jr., Custodian of the Works WB Omar Equiza, Historian Saul Exmundo, Senior Steward Bro. Eric Benedicto, Junior Steward Bro. Rodney Magbunua, Organist WB Jonathan Florendo, Tyler WB Alden Y. Bait, Harmony Officer VW Jose Lustre.
Invited ang lahat ng mga Kuyang sa buong Philippines my Philippines sa nasabing petsa.
Ano pa ang hinihintay ninyo punta na!
BIR Director Django Montemayor
KAPAG hindi kumilos si Django sa mga bugok dyan sa BIR North Quezon City ay nakakasiguro tayong maraming luluhang taxpayer todits dahil ang mga kamote todits ay malakas manakot, manggipit at siempre ang mangotong.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi kayang antigin ng dyaryo ang mga kamote todits dahil makakapal talaga ang mga mukha ng mga bugok dito.
Sinabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat umpisahan ng Office of the ombadsman este mali Ombudsman pala ang lifestyle check sa mga kamote para matigil ang kalokohan at kagaguhan ng mga gago sa BIR North Quezon City.
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na malaking halaga ang nakukuha ng mga bugok sa mga large scale taxpayer dyan sa nasabing lugar kaya naman tuwang-tuwa ang mga animal oras na nagpatupad ng pagbubuwis ang BIR.
Hindi natin sinasabing kinukunsinte ni Django ang mga gago todits pero habang wala siyang ginagawang paggalaw sa mga bugok sa BIR North Quezon City ay hindi maalis sa mga naglalarong isip ng madlang taxpayer na baka may pinoportektahan ito?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Hintayin!
Tinapay sa DPWH
SINABI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, last Saturday night sa isang party dyan sa Kyusi na hindi maaantig si alyas ‘tinapay’ sa DPWH dahil walang kinatatakutan ang kamote dahil mas importante dito ang kumita ng pitsa sa mga negosianteng may transaksyon sa DPWH-NCR na kumukuha at nagre-renew ng mga permiso regarding sa operasyon ng ‘billboards’.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi kayang galawin si ‘tinapay’ sa DPWH-NCR dahil malakas itong magbigay ng pera sa mga bugok na amo niya sa itaas.
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, basta ok magpadala ng pitsa ang isang bugok na official sa kanyang mga gagong bossing sa DPWH ay mahirap silang magalaw.
Sabi nga, if the price is right!
Walang tigil sa paggawa ng pitsa itong si tinapay kaya sinabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, na dapat tiktikan ito ng mga autoridad para matigil na ang kalokohan nito sa DPWH - NCR.
‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago sa susunod na labas hintayin’.
- Latest
- Trending