^

PSN Opinyon

Baliktad na tadhana

K KA LANG? - Korina Sanchez -

MAY kasabihan na ang iyong nakaraan ay babalik para multuhin ka. Ganito na nga siguro ang nangyayari kay Sen. Panfilo Lacson, na ngayon ay may warrant of arrest na nilabas ng isang korte sa Maynila, kaugnay sa kan-yang pagkakasangkot umano sa kaso ng Dacer-Corbito double murder. Sa kasalukuyan ay wala ang senador sa bansa, na umalis daw noong unang linggo ng Enero. Ang kanyang dahilan, ayaw niyang malagay sa panganib ang kanyang buhay sa ilalim ng administrasyong Arroyo,      kung lilitisin na siya ukol sa nasabing kaso. Kaya siya ngayon ay isa nang pugante.

Tila bumaliktad na ang tadhana ng makulay na senador. Nakilalang matinding kalaban ng krimen noong panahon ni President Joseph Estrada. Naging senador, at nakilalang si Mr. Expose dahil sa kanyang mga paglantad ng mga umano’y matitinding anomalya sa gobyerno, lalo na sa Unang Pamilya, at sa kanyang dating kakampi na si President Estrada. Pero ni isa ay wala pang umabot sa korte, at wala pang nakakasuhan. Ngayon, siya naman ang hinahabol ng batas. Kabalintunaan talaga.

Pero matagal nang inuugnay ang kanyang pangalan sa Dacer-Corbito double murder, sa simula’t simula pa   lang. Wala lang talagang nangyari sa kaso hanggang sa nagsalita na ang mga dati niyang tauhan na nagsialisan din patungong Amerika nang matanggal si Estrada sa kapangyarihan. Si Lacson nga lang ang naiwan sa bansa noon. Ngayon siya naman ang umalis habang ang mga dati niyang tauhan ay bumalik na para tumestigo laban sa kanya sa sikat na kaso. Kabaliktaran na nga lahat!

Hinihikayat na si Lacson na bumalik at harapin ang mga inaakusa sa kanya. May kasabihan ulit na ang taong tumatakbo ay senyales ng pagkakasala. Lintang Bedol, Jimmy Paule, at marami pa diyan na hindi na nagpapakita. Iginigiit ng senador na wala siyang kasalanan sa nasabing pagpatay kina Dacer at Corbito. Sa isang demokrasya, kung saan isa siyang senador, kailangan patunayan sa pa­ mamagitan ng pagdinig at paglitis sa korte. Kailangan harapin niya ang mga dumadawit sa kanya, at patunayan na wala siyang kasalanan o kinalaman sa krimen. Ganun ang sistema sa ating bansa. Kung patatagalin pa niya ang kanyang pagbalik at pagharap sa korte, baka makumbinsi na ang marami, kung hindi ang buong bansa, na siya’y may kina­laman, o may kasalanan talaga. Tanging siya lang ang makakalinis ng kanyang pangalan. At hindi sa pamamagitan ng pagtakbo, o pagbigay ng pahayag na lang.

DACER-CORBITO

JIMMY PAULE

KANYANG

LINTANG BEDOL

MR. EXPOSE

NGAYON

PANFILO LACSON

PERO

PRESIDENT ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with