NAGAAKLAS umano ang isang militanteng grupo sa Batangas at ilang mamamayan dahil sa habitual absenteeism ni Batangas Governor Vilma Santos.
Isang joint statement ang ipinalabas ng mga concerned Batangueños at militanteng grupo na kumokondena kay “Ate Vi.” Bakit nagkaganyan gayung nu’ng Mayor siya ng Lipa ay maganda ang kanyang performance kung kaya’t itinaas siya ng mga humahangang Batangueño sa pagka-governor ng lalawigan?
Marahil, dapat lumantad si Ate Vi at ipaliwanag ang isyu. Baka kasi isa lang paninira lalu pa’t panahon ng politika. Pero kung pamumulitika lang, mararamdaman naman iyan ng taumbayan at walang lihim na hindi malalantad. Habang pinatatagal ang paglilinaw, lalung ma-papasama ang inaakusahan.
Ana’ng joint statement “Admiring Batangueños have placed her on a pedestal. But this admiration is now falling to pieces.” Nananawagan sila na gawaran ng administrative censure si Ate Vi kaugnay ng isyu sa “palaging absent sa trabaho.”
Kahit si provincial board member Chona Dimayuga ay umupak kay Ate Vi tungkol sa isyung ito. Aniya, min-san lang sa isang linggo kung pumasok sa kanyang opisina ang gobernadora. Darating lang umano ang Punong-lalawigan tuwing Lunes ng umaga para sa flag raising ceremony, pipirma ng mga papeles sa kanyang opisina at lilisan na, ani Dimayuga.
Kaya naman daw nakakaapekto ang ginagawa niAte Vi sa ekonomiya ng probinsya at pati na sa delivery ng pangunahing serbisyo sa mamamayan.
At heto pa ang masaklap. Lalo raw namamayagpag ngayon ang sugal na jueteng sa Batangas sa pamumuno ng isang Influential na tao na kung tawagin ay si “Puti” na kumikita raw ng arawang 5 hanggang 7 milyong piso! Alam kaya ito ng gobernadora?
Kung totoo ito, aba, natural lang na maghimag- sik ang mga taumbayan na nagdala sa kanya sa puwesto at umaasang mareresolba ang mga problema ng lalawigan sa ila-lim ng kanyang pamumu-no. Sana naman ay ma- silip ni Ate Vi ang problemang ito dahil ang reputasyon niya ang nakataya.