^

PSN Opinyon

Totoo ba ito Gov. Vi?

- Al G. Pedroche -

NAGAAKLAS umano ang isang militanteng grupo sa Batangas at ilang mamamayan dahil sa habitual absenteeism ni Batangas Governor Vilma Santos.

Isang joint statement ang ipinalabas ng mga concerned Batangueños at militanteng grupo na kumokondena kay “Ate Vi.” Bakit nagkaganyan gayung nu’ng Mayor siya ng Lipa ay maganda ang kanyang performance kung kaya’t itinaas siya ng mga humahangang Batangueño sa pagka-governor ng lalawigan?

Marahil, dapat lumantad si Ate Vi at ipaliwanag ang isyu. Baka kasi isa lang paninira lalu pa’t panahon ng politika. Pero kung pamumulitika lang, mararamdaman naman iyan ng taumbayan at walang lihim na hindi ma­lalantad. Habang pinatatagal ang paglilinaw, lalung ma-pa­pasama ang inaakusahan.

Ana’ng joint statement “Admiring Batangueños have placed her on a pedestal. But this admiration is now    falling to pieces.” Nananawagan sila na gawaran ng   administrative censure si Ate Vi kaugnay ng isyu sa “pala­ging absent sa trabaho.”

Kahit si provincial board member Chona Dimayuga ay umupak kay Ate Vi tungkol sa isyung ito. Aniya, min-san lang sa isang linggo kung pumasok sa kanyang opisina ang gobernadora. Darating lang umano ang Punong-lalawigan tuwing Lunes ng umaga para sa flag raising ceremony, pipirma ng mga papeles sa kanyang opisina at lilisan na, ani Dimayuga.

Kaya naman daw nakakaapekto ang ginagawa niAte Vi sa ekonomiya ng probinsya at pati na sa delivery ng pangunahing serbisyo sa mamamayan.

At heto pa ang masaklap. Lalo raw namamayagpag ngayon ang sugal na jueteng sa Batangas sa pamu­muno ng isang Influential na tao na kung tawagin ay si “Puti” na kumikita raw ng arawang 5 hanggang 7 milyong piso! Alam kaya ito ng gober­nadora?

Kung totoo ito, aba, na­tural lang na maghimag-   sik ang mga taumbayan  na nagdala sa kanya sa puwesto at umaasang ma­reresolba ang mga pro­blema ng lalawigan sa ila-lim ng kanyang pamumu-no. Sana naman ay ma- silip ni Ate Vi ang proble­mang ito dahil ang repu­tasyon niya ang nakataya.

ADMIRING BATANGUE

ALAM

ANIYA

ATE VI

BATANGAS

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS

BATANGUE

CHONA DIMAYUGA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with