^

PSN Opinyon

Lisensiya ng kidnapper

- Roy Señeres -

NAGTATAKA raw ang Bureau of Customs kung paano nakapuslit sa bansa ang “jammers”, mga instrument ito na diumano ay maaaring makabasag o di kaya makasira ng mga cell phone signal.

May mga haka haka na ang jammers ay maaring gamitin sa election, dahil maari raw itong gamitin ng mga pulitiko na harangin ang cell phone signal mula sa mga presinto na natatalo na sila.

Ayon naman daw sa Comelec, may paraan naman daw silang makontra ang epekto ng jammers. Ano kaya ang kanilang gagawin? Maglalagay kaya sila ng “force field” upang di makapasok ang signal ng jammers sa mga presinto? Di ba mahal yan? Baka mas mahal pa yan sa counting machines.

Ayon naman daw sa gobyerno, dapat daw gawing      requirement na i-register ang jammers. Hindi ba kaloko-han ang panukala na yan? Kung kaya ng gobyerno na gawin yan, bakit hindi na rin nila gawin na rehistrado na    rin ang mga carnapped na sasakyan at rehistrado na rin ang mga kidnapper?

Dapat ay mag-isip muna ang mga opisyal ng gobyer-no bago sila magsalita. Hindi ba may rehistro at lisensiya rin ang mga baril? At kahit pa man may ganyan, hindi ba napakarami pa ring loose firearms? Kaya nga nangyari     ang Ampatuan massacre di ba?

Dahil corrupt ang pekeng Presidente na si Mrs. Gloria Arroyo, wala siyang nabibigay na magandang halim-     bawa sa mga taga-gobyerno, kaya marami sa kanila ang naging corrupt na rin. Paano makapagpupuslit ng mis- declared jammers sa Customs kung walang corruption?

May mga haka-haka na kaya ipinuslit ang jammers         ay gagawing dahilan kung bakit magkakaroon ng failure of election. Hindi mala­yong mangyari yan, ngunit sa totoo lang, hindi na ka­ilangan ng jammers upang madaya ang election. Hang­gang sa ngayon, nasa loob pa ng Comelec ang mga operators na katulad ni Garci, at marami sa kanila ay mga bata nga raw ni Garci.

Nasa loob pa rin ng Pa­lasyo ang nag-utos kay Gar­ci na mandaya, kaya malaki pa rin ang posibilidad na mangyari ulit ang pandara-ya sa utos ni Mrs. Arroyo, dahil ang gagawin lang na­man niya ay magsasabi ng “I’m sorry” at “Let’s move on”.

vuukle comment

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

COMELEC

GARCI

JAMMERS

KAYA

MRS. ARROYO

MRS. GLORIA ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with