^

PSN Opinyon

Pagpupumiglas para makaalpas

SAPOL - Jarius Bondoc -

INAABANGAN ng hardinero ang paghinog ng cocoon ng paruparo. Isang araw nagkabutas sa isang dulo. Umupo ang hardinero para panoorin ang paglabas ng paruparo. Ilang oras ang lumipas, halatang hirap na hirap ang insekto hawiin ang cocoon at puwersahang isuot ang katawan palabas sa maliit na butas. Tapos, tila huminto ang paruparo sa pagpupumiglas. Naisip ng hardinero na narating na ng insekto ang rurok ng pakikibaka, at hindi na nito kayang umusad pa.

Kaya pinasya ng hardinero na tulungan ang paruparo. Kumuha siya ng gunting at ginupit ang natitirang piraso ng cocoon na nakaharang sa daanang butas.

At saka madaling lumitaw ang paruparo. Pero nama­maga ang katawan nito, at maliit at luray ang pakpak.

Patuloy na nanood ang hardinero. Inaasahan niya kasi na anumang iglap ay lalaki ang mga pakpak, bubuka, at iaangat ang katawan, na siya namang liliit sa paglaon.

Pero hindi ito nangyari. Sa halip nabuhay lang nang ilang araw ang paruparo na hindi nagbago ang namama­gang katawan at luray na pakpak. Hindi na ito nakalipad, kaya hindi nakakuha ng makakain.

Ang nangyari kasi, sa kanyang “pagmamagandang-loob” na tumulong, nasira ng hardinero ang proseso ng kalikasan. Hindi niya alam na ang maganit na cocoon at ang pagpupumiglas ng paruparo ay paraan — ng Diyos — para sumirit ang katas mula sa katawan patungo sa pakpak., para ito makalipad pagkalayang-pagkalaya.

Kung minsan, pagsisikap at pakikibaka ang kaila-    ngan sa buhay. Kung hayaan ng Diyos na walang hadlang sa buhay, malulumpo tayo. Hindi tayo magiging kasing lakas ng kasalukuyan, Hindi tayo makakalipad upang marating ang rurok ng posibilidad sa buhay.

* * *

Lumiham sa [email protected]

DIYOS

HARDINERO

ILANG

INAASAHAN

ISANG

KAYA

KUMUHA

PARUPARO

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with