^

PSN Opinyon

Ginang, nilapa ng apat na aso!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

ANO ang iyong gagawin kapag ang iyong alagang aso ay nanlapa ng tao? Tutulungan mo ba ang biktima o ipagwawalang bahala mo lang ito dahil aksidente lamang?

Simpleng katanungan, subalit nangangailangan ng seryosong kasagutan. Dahil ang taong inirereklamo sa aming tanggapan, nag-asal aso hindi nag-asal tao.

Isang ginang ang lumapit sa BITAG, inirereklamo ang kanyang kapitbahay dahil pinagtulungan siyang lapain ng apat na asong alaga nito.

Alas-diyes ng gabi, papunta sa isang computer shop upang sunduin ang anak, ikinagulat umano ng ginang nang biglang umatake ang isang alagang aso ng kapit­bahay.

Pagkagat sa ginang, nagawa pa nitong tumakbo ng kanilang bahay upang kumuha ng pambugaw o pamalo habang habul-habol siya ng nasabing aso.

Subalit nang makita ng kanyang kapitbahay na may hawak siyang pamalo, imbes na awatin ang aso, pinag­bubugbog pa siya ng buong pamilya nito.

Sumama rin sa bugbugan ang tatlo pa nitong alagang aso. Kung tutuusin, maituturing na milagro pa na siya ay nabuhay.

Isang purok leader ang nagtangkang umawat sa kaguluhan upang tulungan ang ginang subalit pati siya nadamay sa kagat ng aso, nilapa siya ng isa sa mga ito.

Natigil lamang ang kagatan este kaguluhan nang buong barangay na ang umawat.

Ang siste, kinabukasan, ang kanyang mga aso ang pinabakunahan habang ang ginang pinabayaan nang nakaratay sa ospital at ni kusing hindi nagbigay pam­pa­gamot nito.

Masahol pa sa asong ulol ang ugali ng may-ari, imbes na asikasuhin ang biktima, inuna nitong ala­lahanin ang kanilang ala­gang nanlapa.

Dito, sa tulong ng ISUM­BONG MO ng aking naka­tatandang kapatid na si     Mon Tulfo, tinuruan ng aral ang may-ari ng aso.

Noong una, isa lamang ang nakuhang aso ng City Vete­renarian sa ilalim ng Quezon City Health Office at ng Bara­ngay Balara, mistulang na­ngatog din ang mga tuhod ng mga ito sa kagat ng aso kaya’t hindi nila nakuha pa ang tatlo.

Subalit sa huli, kahit pu­mapalag, napilitang ang may-ari na mismo ang mag­dala ng lahat ng kanilang ala­ga sa barangay. Abangan ang bu­ong pangyayari nga­yong Sabado sa BITAG.

Magsilbing aral sana ito    na maging responsable at maka­tao sa pag-aalaga ng aso nang hindi mag-asal hayop ang sinumang mag-aalaga nito.

ABANGAN

ASO

BALARA

CITY VETE

ISANG

MON TULFO

QUEZON CITY HEALTH OFFICE

SHY

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with