^

PSN Opinyon

Mga tanod ni Bgy Chairman Ejercito kamag-anak pala niya?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NAPAKA-BUWENAS ni Chairman Joey “Itoy” Ejercito ng Barangay 190, Zone 17, Barrio Obrero, Tondo, Manila dahil sa kabila ng kaliwa’t kanang asuntong isinampa sa kanya ay patuloy pa rin sa pamamayagpag sa puwesto. Manta-kin n’yo, mukhang naluto na sa piskalya ang carnap­ping case na isinampa ni Darwin Anonuevo. Nagsimula ang kontrobersiya ni Ejercito nang gamitin niyang barangay patrol ang motorsiklong karnap. Mismong sa kanyang barangay hall nabawi ng MPD-Anti Carnapping Unit ang motorsiklo. Kasanggang dikit umano ni Ejercito si Manila mayor Alfredo Lim kaya dedma lang siya sa mga reklamong inihain sa kanya. Iba na talaga ang may kinakapitan.

Ayon sa mga nakausap ko, lahat nang kumakalaban kay Lim ay ipinagigiba ang barangay hall. Katulad na lamang ng barangay hall sa Dagunoy, San Andres Bukid na balwarte ni dating mayor Lito Atienza. Sa ngayon, nagkukumahog si Lim na makuha ang simpatiya ng Mani­leños matapos ideklara ni dating Pres. Joseph “Erap” Estra­da si Atienza. Habang nagtatagisan sina Lim at Atienza, lumalakas ang kalamangan ni Razon. Ang nais ni Razon, makatulong sa mga naghihikahos na Mani-leños na maiahon sa kahirapan.

Kaya habang nakakapit si Ejercito sa puruntong ni Lim madidismaya ang mga taga-Obrero sa hinaharap. Ano kayang bertud ang hawak nitong si Ejercito? Ayon sa aking mga nakausap, naging pipi at bingi si Barangay Bureau chief Atty. Analyn Marcelo Buan sa pagdinig ng reklamo. Kabilang na rito ang pagtalaga ni Ejercito sa kanyang biyenan na si Teresita Punzalan bilang personal na secretary/treasurer. Nilabag umano ni Ejercito ang Code of Conduct and Ethical Standard for Public Officials and Employees, Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Chief Atty. Buan, pakirebisa mo itong reklamo kay Ejercito nang maging malinaw na wala kang kinikilingan. Paimbestigahan mo itong mga tanod kuno na itinalaga ni Ejercito sa kanyang barangay. Ayon sa aking mga nakausap pawang taga-kabilang barangay at kamag-anakan umano ni Ejercito ang mga ito. Umano, sa 20 tanod, lima hanggang pito lamang ang nagtitiyagang nagroronda sa kanilang lugar. Malaki ang kanilang hinala na moro-morong payroll lamang ito ni Ejercito para magkamal ng salapi.

Narito ang mga pangalan para may giya ka Atty. Buan sa iyong imbestigasyon: Virginia Macatangay, Eduard Joselito Bunagan, Leonard Beltran, Enrico Gatbonton, Rowena Jose ng D. Gomez St., Wilfredo Cabanatan, Manuel Tria, Jose Rodel Batario, Eduardo Tabilin, Donato De Leon, Domingo Agtotobo, Raymond Agttotobo, Gary Taroza, Jocelyn Villamor, Rolando Agtotobo na pawang taga A. Cecilio St.; Thomas Hueng Ngo, at Roy Carabeo ng A.B. Tan St.; Francis Ian Ilao ng A.C. Herrera St.; at Reynaldo Castro ng J. Lukban St., Obrero, Tondo, Manila.

vuukle comment

ALFREDO LIM

ANALYN MARCELO BUAN

ANTI CARNAPPING UNIT

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

ATIENZA

AYON

BARANGAY

BARANGAY BUREAU

EJERCITO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with