SANA’Y mabura na ang mga pang-aalipusta at panlalait ng mga politiko sa isa’t isa tuwing election period. Halimbawa, di ba napakalaswang pakinggan ng katawagang political prostitute” ? Ang tinutukoy ko ay ang pasaring ni Sen. Jamby Madrigal kay NP, vice presidential bet na si Loren Legarda. Ito ay dahil “sanggang-dikit” pa rin si Loren kay Villar sa nag-aapoy na kaso ng C-5 anomaly.
Okay lang ang tuligsaan pero sana naman ay itigil na ang pagbibitiw ng mga mababahong salita. Puwede namang bumatikos nang maayos na hindi gumagamit ng “gutter language”. May mga “eleganteng katagang magagamit na may haplit pero hindi malaswa sa tenga. Napakasamang pakinggan ng kalaswaan lalu’t mula sa mga pinagpipitaganang mambabatas. Wika nga, mag-stick na lang sa isyu.
Sa pagkakilala ko kay Loren komo dati siyang kasamahan sa broadcast industry, hindi siya nang-iiwan ng katoto lalu na kung naiipit sa problema. Good quality nating mga Pinoy iyan! Nasabi na niya noon na bagamat kasama siya sa mga nagpasimula ng kaso laban kay Villar, napatunayan niya sa sarili na inosente ito. Kaya ano man ang sabihin ng iba, hindi natitinag ang paninindigan ni Loren. Pero in fairness, consistent na oposisyunista si Loren. Isa siyang “dinayang” VP bet ni yumaong FPJ, topnotcher sa senado nung 2007 sa bandila ng oposisyon at ngayo’y vp bet ni Villar. Consistent din siya sa advocacy sa pangangalaga ng kalikasan at sa kapakanan ng OFW, pagtulong sa mga mag-aaral at guro, pag-aangat ng kalidad ng buhay ng mararalita.
Si LP vice presidentiable Mar Roxas ay isa rin na- mang outstanding legislator na kinikilala sa kanyang batas para maibaba ang presyo ng mga gamot. Pero sey ng barbero kong si Mang Gustin, may reputasyong nang-iiwan ng kasama sa ere. Inisa-isa ni Gustin ang mga puna niya kay Mar na aniya’y “on record.” Nung 2001 ay iniwan niya si Erap sa kainitan ng impeachment case at lumipat kay Presidente Gloria. Gi nawa siyang DTI secretary at naging maganda ang per-formance kaya binansagang “Mr. Palengke”.
Pero nang nabatikan ang imahe ng administrasyong ito, bigla rin siyang kumalas. Anyway, alam nating matalino ang mga botante at marunong kumilatis kung sino ang karapatdapat.