^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag lang tubig ang tipirin, pati gas at kuryente

-

IPINAG-UTOS na ni President Arroyo ang pagtitipid sa tubig. Naalarma sa banta ng El Niño. Pero sana ay isinama na rin niya ang pagtitipid sa gasoline at kuryente. Sunud-sunod na ang nangyayaring brownout hindi lamang sa Metro Manila kundi pati na rin sa probinsiya. Ang petroleum products ay patuloy naman sa pagtataas ng presyo. Baba-taas-baba ang gasolina, diesel at liquefied petroleum gas (LPG). Kaya dapat paigtingin ng gobyer-no ang pagtitipid hindi lamang sa tubig kundi pati na rin sa gasoline at kuryente. Noong isang araw, ipinag-utos na ng Malacañang ang pagtitipid sa tubig dahil nakaamba na ang krisis dahil sa pana­nalasa ng El Niño phenomenon. Ang water level sa Angat Dam ay patuloy sa pagbaba. Sabi ng PAG­ASA, magiging matindi ang init sa Abril at aabot hanggang Hunyo.

Ang pagtitipid ay naiisip lamang kapag naka­sakmal na ang krisis. Ganito lagi ang style at wala nang pagbabago pa. Sa mga nakaraang amba ng krisis sa enerhiya, ang gobyerno ay naglulunsad ng kampanya para makapagtipid mapa-kuryente man o gasolina. Inatasan ang mga taong gobyerno na huwag nang gumamit ng mga sasakyang ma­lakas lumaklak ng gasolina at sa halip ay mag-LRT o mag-MRT na lamang. Ipinag-utos na patayin ang mga ilaw kapag breaktime. Huwag nang gumamit ng aircon at electric fan na lamang. Pero ang pagti­tipid sa gasoline at kuryente ay ningas-kugon la­mang. Kapag inakala na ang presyo ng gasoline, diesel at LPG ay nagsimula nang bumaba, agad naka­kalimu­tan ang pagtitipid. Ang mga opisyal ng gob­yerno ang nangunguna para gamitin muli ang sa­sakyan nilang malakas lumaklak ng gasolina. Nalimutan na ang pagtitipid at balik sa pagwa­waldas.

Ang gobyerno ang dapat magpakita ng halim­bawa. Sila ang manguna sa pagtitipid nang buong sigasig at hindi yung pakitang tao lamang. Ipatu-pad kung ano ang kautusan ukol sa pagtitipid. Ma­dali namang tatalima ang taumbayan kung ang       pa­mahalaan ay nagpapakita ng halimbawa.

ABRIL

ANGAT DAM

EL NI

GANITO

HUNYO

METRO MANILA

PAGTITIPID

PERO

PRESIDENT ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with