^

PSN Opinyon

Negatibong reaksiyon, inulan ang BITAG.

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

MARAMING bumatikos at nagbigay ng negatibong reak­siyon matapos maipalabas sa BITAG ang update ng segment na may pamagat na Rape sa loob ng Kampo (Hulidap Taytay 2).

Eto ‘yung segment kung saan napilitang makipag- usap si C/Insp. Aristone Dogue kay BITAG subalit walang camera.

Matapos maipalabas ang segment, umani kami ng   galit at pagdududa sa ilang manonood mula sa kanilang mga text messages sa aming text hotline.

Anang isa bakit daw pumayag si BITAG na closed door meeting ang ginawang pagharap ni Dogue. Nag-iba na raw yata ang ihip ng hangin.

Ayon naman sa mensahe ng isa, paano pa daw sila lalapit sa BITAG kung makikipag-closed door meeting lamang daw ako sa inirereklamo.

Unang-una, hindi meeting ang ipinunta ng aming grupo sa Camp Vicente Lim, tinawagan kami ng Public Informa­tion Officer ng nasabing kampo upang sabihing iha­harap na nila si Dogue dahil nadadamay na ang buong kampo.

Sa simula pa lamang, layunin ng BITAG na talagang makaharap si Dogue at makunan ang panig nito hinggil sa sumbong subalit nagtago ito at halos tumalon na ng bakod kakaiwas sa amin.

Nagawa lamang namin siyang piliting sumagot sa harap ng aming camera dahil iginalang namin ang unang pakiusap nitong kausapin ako ng wala munang camera.

Dahil dito, iginalang din niya ang aming kagustuhan na magpaliwanag o magbigay ng pahayag hinggil sa na­sabing sumbong.

Berdugo man kami sa pagharap sa mga suspek na nakilala ng karamihan, ma­ runong naman kaming ma-kinig sa pakiusap at maging makatao lalo na sa mga taong dapa na.

Isa lang ang lagi naming tinitiyak sa mga kasong aming nahahawakan, sa abot ng aming makakaya, binibig­yang katarungan ng BITAG gaano man kalaki o kaliit ang rekla­mo ng isang biktima.

Hindi man sa amin direk­tang magmula, sa tulong ng hukuman at mga otoridad     na kasama namin sa trabaho, makikita ang hustisya.

Sa mga bumabatikos, maaaring hindi talaga kayo sumusubaybay ng aming programa dahil hindi ninyo nakikita bagamat may ta-pang, komosyon at kum­pron­tasyon ang aming mga gina­gawa, may puso rin ang gru-po ng BITAG.

AMING

ARISTONE DOGUE

BITAG

CAMP VICENTE LIM

DOGUE

HULIDAP TAYTAY

PUBLIC INFORMA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with