^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dagdagan ang info ukol sa HIV-AIDS

-

NASA epidemic level na ang pagkalat ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) kaya nararapat dagdagan ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng impormasyon sa publiko ukol sa nakamamatay na sakit. Ang HIV ang dahilan kaya nagkakaroon ng Acquired-Immune Deficiency Syndrome (AIDS). Kulang sa impormasyon ang naka­ rarami kaya marahil tumaas ang bilang. Masya- dong natutok si dating DOH Sec. Francisco Duque sa ibang sakit gaya ng dengue, AH1N1, ebola virus kaya mara­hil nagkulang sa pagbibigay ng info sa HIV-AIDS.

Noong 1984, dalawang kaso lamang ng HIV ang naitala sa Pilipinas, pero makalipas ang 10 taon, umabot na sa 118 ang kaso. Noong 2004 ay mas lalong nakagugulat ang biglang paglobo nang may HIV sapagkat umabot sa 199. At mas matindi pa nang mga sumunod na taon sapagkat mula 2007 hanggang October 2009 umabot na sa 629 ang may HIV. Sabi ni Dr. Edcel Salvana, propesor ng UP College of Medicine at head ng PGH Infectious Diseases Department, noon daw nakaraang taon, araw-araw ay may naitatalang dalawang kaso ng HIV-AIDS. Lumobo nang lumobo ang mga may sakit at nakaaalarma na ang nangyayari. Masyado raw mabilis ang pagkalat.

Sa kasalukuyan, ang mga biktima ng HIV-AIDS ay kinabibilangan ng mga kabataan na ang edad ay 16. Merong medical practitioners, young professionals, abogado at overseas Filipino workers (OFWs). Karaniwang nakukuha ang sakit sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa kung kani-kaninong partners.

Naniniwala kami na marami pang may HIV na   hindi lumalantad dahil sa takot o pagkapahiya. Hika­yatin silang magpatingin para mabawasan ang pagkalat. Doblehin ng DOH ang sigasig na maka­pagbigay ng impormasyon sa publiko ukol sa na-ka­mamatay na AIDS. Ipaunawa ang pagpa-practice sa safe sex at ang kabutihan ng paggamit ng condom.

Sa pagbibigay ng impormasyon sa mamamayan, makaiiwas sila sa tiyak na kapahamakan o kamatayan.

ACQUIRED-IMMUNE DEFICIENCY SYNDROME

COLLEGE OF MEDICINE

DEPARTMENT OF HEALTH

DOBLEHIN

DR. EDCEL SALVANA

FRANCISCO DUQUE

HIV

HUMAN IMMUNODEFICIENCY VIRUS

INFECTIOUS DISEASES DEPARTMENT

NOONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with