^

PSN Opinyon

Kawawa ang PAF

K KA LANG? - Korina Sanchez -

ISANG Nomad, eroplanong gawa sa Australia na binili ng AFP noong 1975, ang bumagsak sa Cotabato City. Patay ang lahat ng sakay nitong mga sundalo, kasama ang isang heneral ng PAF, at isang sibilyan sa bahay na binagsakan ng eroplano. Ayon sa mga record, bago nang binili ang mga Nomad sa Australia noong 1975. Sa huling inspeksyon ng bumagsak na Nomad, nasa maayos na kundisyon pa raw ito at puwedeng paliparin.

Maaaring maayos nga ang Nomad. Kung noong 1975 pa binili ito, nakikita na lumilipad pa rin matapos makaraan ang higit tatlong dekada. Pero may hangganan din ang lahat, ika nga. Pagod na rin siguro ang nasabing eroplano. Kahit lumang kotse ay sirain na rin, kahit anong selan pa ng pag-aalaga rito. Magaling lang talaga ang ating mga mekaniko at ground crew ng eroplano. Kaya marami ang kinukuha ng mga malalaking kompanya sa ibang bansa, dahil sa kanilang eksperto sa larangan ng pag-aalaga ng eroplano. Ang pagkakaiba lang sa militar, walang pondo para alagaan nang husto ang mga natitirang eroplano. Kaya hindi na rin nakakapagtaka kung may mga bumibigay na lang at bumabagsak.

Matagal nang problema ng PAF ang pera para sa modernisasyon ng kanilang eroplano at kagamitan. Huling naging maganda ang estado ng PAF ay noong panahon ni President Marcos. Binigyan niya ng importansiya ang PAF, kaya marami tayong bagong eroplano noong panahon niya. Tayo ang unang bansa sa Asya na nagkaroon ng F-5 Freedom Fighters noong dekada sisenta. Tayo rin ang hukbong may maraming magaling na piloto.

Iilan na lang ang mga natitirang eroplano. Mas maraming piloto nga kaysa eroplano. Kung hindi sana matindi ang katiwalian sa gobyerno, may pondo na mapupunta sa PAF para pagandahin muli ang mga kagamitan. Maibalik muli ang estado ng PAF sa Asya katulad noong dekada sisenta. Mahalaga sa isang bansa ang may malaking kakayahan ang hukbong himpapawid. Nagagamit ang eroplano hindi lang sa digmaan kundi pati na rin sa kapayapaan. Isang aspeto ito na dapat bigyang halaga ng susunod na presidente.

ASYA

AYON

COTABATO CITY

EROPLANO

FREEDOM FIGHTERS

KAYA

NOONG

PRESIDENT MARCOS

TAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with