^

PSN Opinyon

Access ng publiko sa mga impormasyon sa gobyerno

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

ISA na namang panukala ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang nakatakdang maging batas. Ito ay ang Senate Bill Number 576, o ang “An Act to Ensure Public Access to Official Information”.

Ang panukala ni Jinggoy ay kabilang sa iba’t ibang magkakatulad na panukala na pinagsanib at sinang-ayunan ng bicameral conference committee. Layon ng panukala na kilalanin ang karapatan ng mamamayan na malayang mabusisi ang mga pampublikong doku­mento kabilang ang mga kontratang pinapasok ng gobyerno at ang Statements of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ng mga opisyal ng pamahalaan. Ito ay magpapalakas sa transparency and good governance sa pamahalaan.

Sa kanyang panukala ay binigyang-diin ni Jinggoy ang nilalaman ng Bill of Rights ng ating Konstitusyon kung saan ay nakasaad na… “The right of the people to information on matters of public concern shall be re­cognized. Access to official records, and to documents and papers pertaining to official acts, transactions, or decisions, as well as to government research data used as basis for policy development, shall be afforded the citizen subject to such limitations as may be provided by law.”

Siyempre, mayroon pa ring mga impormasyon na hindi puwedeng basta ilahad sa publiko dahil itinuturing na classified or confidential information na kapag kumalat sa publiko ay baka magdulot nang peligro. Ayon sa mga miyembro ng bicam, desidido silang marati­pi­kahan ng dala­wang kapu­lungan ng Kongreso ang nasabing panukala sa susunod na mga araw.

Ang panukala ay isa na naman sa mga napaka­makabu­luhang lehislasyon ni Jinggoy na lubhang paki­kinabangan ng taumbayan, kasama ng iba pang mga hakbangin para sa mga manggagawa at masang Pilipino.

AN ACT

BILL OF RIGHTS

ENSURE PUBLIC ACCESS

JINGGOY

LIABILITIES AND NET

OFFICIAL INFORMATION

PANUKALA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with