Nakakahiyang bangayan
NAPANGANGA ang madlang people na nakapanood at nakinig sa mga magagaling na Senator ng kanilang hinahangaan at binoto kasi nga nagmistulang mga batang paslit dahil sila ng magbatuhan ng baho last Monday dyan sa House of Senate.
Kulang na lang ang magsuntukan ang mga Senador halos naglabasan ang mga litid sa galit.
Bakit?
Hindi sila sinipot ni Senator Manny Villar na kontrabida sa paningin ng kanyang mga kalaban presidentiables este mali Senators pala.
Ano ba ang pinag-aawayan?
Sagot - pitsa.
Magkano ba ang pinaguusapan?
Sagot - P6.2 billion.
Inaasukal este mali inaakusahan pala ng ibang Senador si Manny na nag-pansit este insertion pala ng malaking halaga dyan sa sinasabing C-5 project scandal.
Ang problema binibigyan nila ng pagkakataon si Manny na magpaliwanag tungkol sa akusasyon ng ibang Senador pero nagbibingi-bingihan lamang ang una kaya up to now walang linaw.
Sabi nga, inisnab!
Ikinairita ng ilang senators ang ginawa ni Manny sa kanila kaya naman naglabas na sila ng sama ng loob last Monday at kung anu-ano ang naglabasan sa kanilang mga bibig.
Ang kulang na lang sa mga sinabi ng mga kontra kay Manny ay ang mag-mura.
Natuwa ang madlang people sa narinig nila sa Senado samantala sangkaterba naman ang nabuwisit dahil sa bangayan.
Ika nga, kantiyawan blues.
Sabi nga, pikon talo!
Pati si Senate President Juan Ponce Enrile ay naggagalaiti sa inis kasi nga pati siya ay inisnab ni Manny.
Ang dramang nangyari last Monday ay ang kuna-unahan atang napanood ng mga younger pinoy hindi kasi nila akalain mangyayari ang ganito sa Senado.
Nagrekomenda kasi ang Senate Committee of the Whole na kalkalin ang reklamo sa Senate Committee on Ethics versus Manny dahil sa pangungulimbat ng pitsa.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sabi ng ilang Senador lumabag si Manny sa Code of Conduct of Ethical Standards sa Philippines my Philippines.
Ilang taon na ang nakakaraan sinuspinde ng one year si Senate President Jose Avelino dahil sa inanay este mali ini-ugnay pala ito sa tax evasion.
Ayon sa alamat may mga sinabing hindi nagustuhan ng kanyang mga kasamahan si Avelino kaya binigyan siya ng penalty.
Totoo kaya ito?
Ang nangyari pang iba sa mga naging controversial na Senator ay history na.
‘Ano kaya ang nadama ng madlang people sa bangayan sa Senado?’ Tanong ng kuwagong bopol.
‘Dapat sila ang humusga kasi sila ang nakaramdam ng bangayan blues’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘May mangyayari ba kay Villar?’
‘Mga magkakalaban kasi sa politika ang mga ito kaya wala tayong tulak kabigin.’
‘Ano sa palagay mo?’
‘Kamote, ang mga botante ang huhugas este mali huhusga sa kanila sa Mayo.’
- Latest
- Trending