^

PSN Opinyon

Labanan ng 2 kompanya

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

KASO ito ng dalawang kompanyang nasa negosyo ng paskel ng mga billboard, ang PS (Power Sites) at UN (United Neon). Sabay nakipag-usap ang dalawang kompanya upang umupa ng isang bahagi ng lupa na nasa South Superhighway, Alabang, Muntinlupa noong Enero 2002. Tinanggihan ng may-ari ang alok ng PS at ang tinanggap ay ang sa UN. Ang ginawa ng PS, nakipag-usap ito sa may-ari ng katabing lote at nang magkasundo, doon ito nag-umpisang maglagay ng billboard. Lumalabas na sinuman sa dalawang kompanya ang magtayo ng billboard, tiyak na matatakpan nito ang ilalagay ng katapat.

Unang nag-umpisang magtayo ng billboard ang PS. Mayroon itong billboard/signboard permit mula sa isang kompanya na ang may-ari ay siya ring may-ari ng PS. Mayroon din itong building at electrical permit na nakapangalan sa may-ari ng PS.

Sa kabilang banda, pinarehistro naman ng UN sa OAAP (Outdoor Advertising Association of the Philippines) ang kontrata nito sa pag-upa ng lupang tatayuan nila ng billboard. Alinsunod sa patakaran ng asosasyon, sinuman ang maunang magparehistro ay siyang esklusibong may karapatan na magtayo ng billboard sa lugar. Nag-umpisa na rin itong magtayo ng billboard noong Mayo 22, 2002 matapos makakuha ng building permit.

Bago pa man maaksyunan ng city engineer ang usapin, nagsampa na ng kaso (petition for injunction and damages with prayer for temporary restraining order and writ of preliminary injunction) sa korte ang PS noong Hulyo 1, 2002. Hinihingi ng kompanya na patigilin ng korte ang paglalagay ng billboard ng UN. Kung hindi raw ito gagawin, mapeperwisyo ang PS dahil malaki ang malulugi rito at baka habulin pa ito ng kliyente.

Noong Agosto 1, 2002, matapos ang pagdinig sa kaso, pinagbigyan ng korte ang hinihinging preliminary injunction ng PS. Kapag itinuloy daw ng UN ang pagtatayo ng billboard habang nililitis ang kaso, maaapi ang PS at mapeperwisyo dahil sa laki ng malulugi nitong kita at maaari pa itong pagbayarin ng danyos ng kliyente. Tama ba ang korte?

MALI. Una, hindi naman malinaw na may karapatan ang PS sa hinihingi nito sa kaso. Magulo pa at dapat pang pag-usapan ang sinasabing karapatan ng dalawang kompanya. Ang danyos na matatamo ng PS ay hindi maituturing na grabe at hindi na mababayaran tulad ng hinihingi ng batas.

Ang ibig sabihin ng danyos na hindi mababayaran ay hindi masusukat ang perwisyong idudulot nito sa nagsampa ng kaso. Ang sakit o perwisyong hindi mababayaran/mapapalitan na dapat patigilin ng korte ay iyong matatantiya lang sa pamamagitan ng pagkukuro at hindi siguradong masusukat.

Ang danyos na sinasabi ng PS ay madaling tuusin at maaaring bayaran. Ang sinasabing danyos na pagkawala ng kikitain at posibleng paghahabol ng mga kliyente at ang gastos sa pagtatayo ng billboard ay kayang sukatin at hindi papasok sa konsepto ng tinatawag na “irreparable injury” sa ating batas. (Power Sites and Signs Inc. vs. United Neon etc., G.R. 163406, November 24, 2009).

vuukle comment

ALABANG

BILLBOARD

MAYROON

NOONG AGOSTO

OUTDOOR ADVERTISING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

POWER SITES

POWER SITES AND SIGNS INC

SOUTH SUPERHIGHWAY

UNITED NEON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with