^

PSN Opinyon

CP sa bawat Pilipino, PC sa bawat pamilya

SAPOL - Jarius Bondoc -

KAYANG magka-cell phone ang bawat Pilipino, ani telecom businessman Joey de Venecia. Mamigay daw sana ang Smart, Globe at Sun ng murang CPs — tig-$10 o P500 lang, gawa sa China — sa huling 20% ng mga Pilipino na mayor de edad na wala pang units. Ila-lock-in naman ng cell companies ang service nang di bababa sa dalawang taon, kaya mababawi nila ang puhunang P500 kung kikita nang miski P50 lang kada buwan. Magkaka-oportunidad kumita ang mga magkaka-CP. Lalo na sa mga liblib na pook, instant na makakapag-kalakalan ang mga magtatanim o mandaragat sa pamamagitan ng text messaging.

Panukala rin ni Joey na magkaroon ng personal computer bawat pamilya. At dapat daw ay tiyakin ng susunod na administrasyon na may Internet connection lahat.

Tama ang punto ni Joey na kapag may PC at Internet ang bawat tahanan, uunlad ang kabuhayan at edukasyon nila. Magkakapera at matututo lahat kapag naiangat sa Information Age, at posible ito kung nanaisin ng matinong administrasyon.

Biruin mo, ang buong mundo’y magiging library ng bata na magsu-surf sa Internet. Para na rin siyang nag-around the world na hindi umaalis sa bahay. Tatalino ang kabataan. At makakasilang ang lipunan ng mga genius na katulad nina Bill Gates na mag-e-empleyo ng libu-libong tao.

Makakakuha rin ng impormasyon ang mga mamama-yan tungkol sa pagkakakitaan. Sa Internet, malalaman     nila, halimbawa, kung anong mga trabaho ang in-demand kung saan-saan, anong mga produkto ang maari ibenta sa kung sino-sino, o kung magkano mabibili ang materyales para sa kung anu-ano. Uunlad ang kalakal. Magkaka-hanapbuhay lahat.

Nagawa ito ng Australia at New Zealand. Ginaga- wa ito ng India at Mexico. Kaya rin gawin ng Pilipinas kung magpaparaan.

* * *

Lumiham sa [email protected]

BILL GATES

BIRUIN

GINAGA

INFORMATION AGE

KUNG

MAGKAKA

NEW ZEALAND

PILIPINO

SA INTERNET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with