PALIT-PURI, eto ang estilo ni Maj. Aristone Dogue, hepe ng Rizal Police Special Operations Group (PSOG) sa Taytay, Hilltop.
Ayon ito sa mga dating police asset ng nasabing departamento na nagpakita sa BITAG matapos makarating sa kanila ang pagpunta ng aming grupo sa Hilltop Police kamakailan.
Talaga raw walanghiya at puro katarantaduhan ang gawain ni Dogue at mga tauhan nito sa PSOG. Sila raw ang pasimuno ng Hulidap (Huli at Holdap) sa mga inosenteng biktima.
At ang tinatawag na “palit-puri” nangyayari kapag ang kanilang huling biktima ay walang pambayad na pera kapalit ng kalayaan.
Ang asawa nito o kapatid na babae ang magiging pantubos makalabas lamang ang hinuling biktima. Diretso sa kuwarto ni Maj. Dogue ang usapan.
Ang sumbong na nakarating sa BITAG nitong nag-daang linggo ang muling bumulabog sa kampo ng Rizal Provincial Police sa Taytay.
Ikalawang sumbong ito ng hulidap at panggagahasa sa asawa ng mga bastos na pulis sa Hilltop.
Hindi nagawang iharap sa amin ni Col. Jonathan Miano, ang bagong upong Provincial Director ng Rizal ang aming target na si Maj. Dogue, kasalukuyang floating raw ito at wala pang hawak na departamento.
Subalit ayon sa asset, bago pa man kami dumating sa Hilltop Police, nangangatog na tumakas na raw si Dogue sa likuran ng kampo.
Nabahag raw ang buntot ng manyak na lespu na humarap sa BITAG dahil mapapahiya raw siya sa harap ng aming camera katulad noong mga naunang pulis Hilltop na kinumpronta na-min.
Pinatotohanan pa ng police asset ang pangya-yaring isinumbong sa amin ng ginang hinggil sa panggagahasa sa kaniya ng pulis na si Dogue.
Sa kasalukuyan, patu-loy na nagtatago si Do- gue. Hindi man siya makaharap ng BITAG sa nga-yon, sisiguraduhin na- ming mahuhulog din ito sa aming patibong.
Lalo ngayong alam na namin ang kaniyang mga kilos at galaw.
Inaasahan rin ng BI-TAG na dadami at maglalabasan ang mga reklamong dadating sa aming tanggapan matapos naming maipalabas sa aming programa ang kasong ito.
Tutulong na rin ang mga lead agencies na aming nilapitan para mabigyang katarungan ang mga biktima at maparusahan si Dogue at iba pang pulis sa Hilltop na pasimuno ng krimen.
Abangan.