^

PSN Opinyon

Pagkagutom ang ugat ng lahat ng problema

- Al G. Pedroche -

LUBHA nang masalimuot ang problema sa pagkagutom. Habang lumalago ang populasyon, lalung nahihirapan ang pamahalaan sa paghanap ng epektibong solusyon.

Sa harap ng mataas na presyo ng pagkain, maraming pamilyang Pilipino ang nasasadlak sa kahirapan at gutom. Para solusyunan ang problemang ito, itinatag noong 2007 ng Department of Agriculture ang mga Bara­ngay Food Terminal (BFT) na ngayo’y kilala bilang Bara­ngay Bagsakan Centers.

Ang mga Barangay Bagsakan Center ay nagsisilbing mga palengke o talipapa sa mga mahihirap na komunidad sa National Capital Region at mga lalawigang kasama sa priority areas ng Accelerated Hunger-Mitigation Program (AHMP). Sa mga Barangay Bagsakan, ang mga mamamayan ay makabibili ng murang pagkain tulad ng gulay, karne at isda at bigas.

Bukod sa mga murang bilihin, nakatitipid ang mga mamamayan sa pamasahe dahil ang lokasyon ng mga Barangay Bagsakan ay nasa sentro ng mga komunidad. Dahil sa mas mura ang halaga ng bilihin, naisasantabi ng mga pamilya ang konting halaga para sa ibang gastusin tulad ng pang-edukasyon at pang-kalusugan.

Sa kasalukuyan, may 350 Bagsakan Centers ang nakakalat sa buong bansa na nagseserbisyo sa humigit-kumulang 122,000 households. Ang programang Bara­ngay Bagsakan ay kasama sa komprehensibong pagsolusyun sa gutom at kahirapan sa ilalim ng Acce-lerated Hunger-Mitigation Program (AHMP) na pinamu­munuan ng National Nutrition Council (NNC). Ang     AHMP ay isinusulong alinsunod sa direktiba ng Pangu-long Gloria Macapagal-Arroyo bilang pagpapatupad ng Millennium Development Goals ng pamahalaan. 

ACCELERATED HUNGER-MITIGATION PROGRAM

BAGSAKAN CENTERS

BARANGAY BAGSAKAN

BARANGAY BAGSAKAN CENTER

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

FOOD TERMINAL

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

HUNGER-MITIGATION PROGRAM

MILLENNIUM DEVELOPMENT GOALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with