^

PSN Opinyon

'Luv u mwwah!'

- Tony Calvento -

Ganyan talaga ang ugali ng isang demonyo, kahit hindi sa kanya aangkinin niya ang lahat maging masaya lang siya”.

Iyan ang nasabi ng aming ‘complainant’ na si Lea Benaid, 37 taong gulang ng Poblacion, Infanta Quezon.

Ang problema ni Lea ay nagsimula ng maitampok ang kanyang asawang pulis sa telebisyon dahil sa insidente ng kagitingan, naipalabas sa the Filipino Channel, napanood ng isang Pilipina ‘entertainer’ sa Japan.

Magmula nun hindi na umano tinigilan ang kanyang asawa nitong lady entertainer. Idinetalye ni Lea ang kwento ng kanyang pag-ibig na parang mababasa mo lamang sa mga nobela na ibinebenta sa mga pangunahing ‘bookstores’.

Tatlo ang anak nila ni Police Senior Inspector Dodgie Benaid. Ikinasal sila noong Enero 22, 2000 sa St. Mark, Cathedral, Infanta Quezon. “May napansin akong pagbabago sa aming relasyon subalit ang pagmamahal niya sa aming anak ay hindi nagbabago,” sabi ni Lea.

Isang gabi ng 2006 hindi maintindihan ni Lea kung bakit gusto niyang pakialaman ang cell phone ng asawa. May nabasa siyang ‘text message’ mula sa hindi nakalistang ‘contacts’ sa cell phone ni Dodgie, “Luv u veri much, see you soon mwuah!”

“Hinayaan ko na lang siya at naisip kong gumawa ng paraan upang malaman kung may basehan ba na ako’y magselos dahil sa nabasa kong text,” pahayag ni Lea.  

Dumating ang pagkakataong bihira na kung umuuwi si Dodgie sa kanila. Nagpunta si Lea ng ala-1:00 ng madaling-araw sa station ng Nakar Quezon upang surpresahin ang kanyang asawa.

Habang nag-uusap sila, may tumawag kay Dodgie. Sinagot ito ni Dodgie at sinabing “Mamaya ka na tumawag, andito si Lea”.

Tinanong ni Lea si Dodgie “Sino yun? Bakit kailangang mamaya pa kayo mag-usap? Babae mo yun noh?”

Sumagot naman si Dodgie sa kanya na ‘Hayaan mo muna ako, gusto kong matupad ang pangarap ko na tanging si Eloisa lang ang maka­kapagbigay. Ibibili niya ako ng sasakyan at itatayo ng negosyo para sa aking magulang at kapatid.’

Umuwi si Lea na puno ng sama ng loob. Umaasa siyang maayos pa nila ni Dodgie ang lahat. Ilang linggo rin ang lumipas na wala silang komunikasyon ni Dodgie.

Setyembre 4, 2006 ikinagulat niya ang pag- uwi ni Dodgie. Akala niya makikipag-ayos na ang kanyang asawa, yun pala ang pakay nito ay kunin ang lahat ng kanyang gamit.

“Lumuhod at nagmakaawa ako subalit bato ang puso ni Dodgie sa aking mga pakiusap,” kwento ni Lea,

Ilang gabing walang tigil ang kakaiyak ni Lea. Tinawagan niya si Eloisa, sinabi nitong “Nagsasama na kami, hindi ka na mahal ni Dodgie kaya wag ka ng mangulit.”

Hindi makayanan ni Lea ang ginawa sa kanya. Ayon kay Lea, pinag­ban­taan siya ni Dodgie na papatayin siya at ang mga bata pag nagsampa siya ng kaso.

Hunyo 26, 2007, nagkasakit ang anak niyang si Kong. Humingi si Lea kay Dodgie ng tulong ngunit hindi siya nagbigay ng pera dahil hindi ito naniniwala. Dinala ni Lea si Kong sa istasyon ng Real para mapatunayan kay Dodgie na may sakit nga ito.

Nang ibabalik na ni Dodgie ang kanilang anak wala si Lea sa bahay dahil galing umano siya sa isang ‘bible study’,

Galit na sinalubong ni Dodgie si Lea at tinanong “Saan ka galing? Nakikipag tsismisan ka na naman?

 “Hindi pa ako nakakasagot ay sinampal niya ako ng dalawang beses, tinulak at sinipa sa sikmura,” pahayag ni Lea.

Ang pangyayaring ito ang nagpagising kay Lea upang lumaban.

Ika-10 ng Hulyo, 2007, nagsampa siya sa People’s Law Enforcement Board (PLEB) ng kasong ‘cohabitation with a woman of ill-refute, physical injuries, oral defamation, at gross immoral misconduct.

Nagkaroon sila ng hearing sa PLEB. Habang dinidinig ang kanilang usapan sinabi umano ng abogado ni Dodgie na si Atty. Sherwin Closa na wala na siyang karapatan sa kanyang asawa dahil annulled na ang kanilang kasal. Isang pahayag na ikinabigla ni Lea.

Para maberipika pumunta si Lea sa Civil registrar ng Infanta. Nakakuha siya ng kopya ng desisyon ng Declaration of Nullity of Marriage na sinampa ni Dodgie.

Nagulat siya ng makita na void ab initio o mula sa simula pa lamang ay wala ng bisa ang kanilang kasal dahil umano sa ‘psychological incapacitated’ si Lea.

 Ayon kay Lea, peke ang lahat ng dokumento. Itinanggi niya na suma­ilalim siya sa isang “psychological examination”.

Apila niya hindi pa siya nakakarating sa Paniqui, Tarlac kung saan si­nam­pa ang kaso. Kinukwestyon din niya ang ginamit na address na Golden­land Subd. Mabalacat, Pampanga dahil hindi naman siya nakatira doon.

“Dinaya nila ang korte, hindi ako baliw, lahat ng ’yun ay kasinu­ngalingan, Paano na ang karapatan ng aking mga anak, patalun-talon din ang pagbibigay niya ng sustento,” depensa ni Lea.

Itinampok namin ang istorya ni Lea sa aming programa sa radyo Hustisya Para Sa Lahat sa DWIZ 882 Khz (tuwing 3:00 ng hapon).

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kung pagbabasehan natin ang lahat ng pahayag ni Lea at ang mga dokumentong dala-dala niya… niloko mo na siya sa inyong relasyon, pati mga anak mo patuloy mo ring niloloko sa hindi umano pagbibigay ng sustento.

May ilang mga tao na ginagawang laruan ang korte sa tulong ng kanilang abogado. Maghaharap sila “court friendly” kung saan may kilala sila upang mabilis na mapagbigyan ang kanilang kahilingan na mapa­walang bisa ang kasal.

Sa ating batas ngayon, maaring isampa ang kaso kung saan ginanap ang kasal o sa lugar kung saan nakatira ang nagpa-file ng petisyon.

Sabihin na nating “your able to establish residency for 6 months para ma-satisfy ang requirement sa batas. Paano mo naman mapapali­wanag ang address ni Lea na ibinigay mo sa korte ay sa Mabalacat, Pampanga. Doon tuloy bumagsak ang lahat ng mga ‘subpoena’ kaya’t hindi nagkaroon ng pagkakataon si Lea na kwestyunin ang petisyon.

Hindi ito ang unang beses na nakarinig kami ng ganitong ‘style’ at ito’y magpapatuloy hangga’t hindi hihigpitan ang mga requirements.

Bilang tulong, inirefer namin siya sa tanggapan ni Atty. Alice Vidal ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) upang hilingin sa korteng “to set aside its ruling on the nullity of marriage” dahil ito umano’y nakuha sa baluktot na pamamaraan. 

(KINALAP NI AICEL BONCAY)

Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 maari din kayong tumawag 6387285. Maari din kayo magpunta sa aming tanggapan 5th floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

Bukas ang aming tanggapan tuwing SABADO 8:30am- 12:00pm. Ang aming 24/7 hotline ay 7104038.

Email: [email protected]

DODGIE

INFANTA QUEZON

LEA

NIYA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with