^

PSN Opinyon

Sa wakas!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

SA wakas, nahuli na ang kriminal at kontodo perwisyong si Jason Aguilar Ivler, ang pangunahing suspek sa pagbaril at pagpatay kay Renato Ebarle Jr., anak ni Usec. Renato Ebarle Sr. Dalawang buwan din bago nahanap ang madulas na kriminal, sa kanyang tahanan sa Blue Ridge, Quezon City. At nakipagbarilan pa sa mga awto­ridad! Nakatama pa ng dalawang NBI agent bago siya nabaril. Apat ang tama niya — sa tiyan at balikat. Napaka suwerte naman at hindi sa ulo tinamaan! Sinong maligno ang kakampi sa taong ito? Sa mga ibang kaso ng barilan, madalas patay lahat ng suspek na pinagbabaril pa kahit hindi na lumalaban. Naunang nagpaputok si Ivler, na sinagot naman ng NBI. Sa video makikita pang nalaglag ang magasin ng baril ng isang nagpaputok. Normal ba iyon e nakakadalawang putok pa lang siya? Baka nang­gigil at napindot ang pantanggal ng magasin!

Ito ang pangatlong beses na pinuntahan ng NBI ang tahanan ni Marlene Aguilar-Pollard sa Blue Ridge, QC. Sa simula’t simula pa ng paghahanap kay Jason Ivler, kontodo tanggi ang ina na alam niya ang kinaroroonan ng anak. Luhaang umapila pa sa kanyang anak sa telebisyon na sumuko na kung siya ang pumatay kay Ebarle. Pero lumabas na puro panlilinlang lamang ang ginawa, at sad­ yang nagsinungaling para ikanlong ang anak. Natural na ipagtatanggol ng sinumang ina ang kanyang anak, kahit gaano kasama pa ang nagawa nito. Pero may kabayaran nga ang ganyang pagmamahal, at hindi puwedeng talikuran ng batas. Kumupkop siya ng wanted na tao, kaya mananagot na rin siya dahil dito. Pati mga kasam­bahay at ang kanyang kasalukuyang asawa na isang ekonomista sa Asian Development Bank ay kakasuhan na rin ng obstruction of justice dahil sa ginawang pagkupkop at pagtanggi sa kinalalagyan ni Ivler. Baka ma-deport pa.

Nang matapos ang putukan, sinuri ang silid na pinag­taguan ni Ivler. May M-16 Armalite, .45 baril at mga bala para sa mga nasabing baril. Dating miyembro ng Spe-cial Forces ng US Army si Ivler, kaya marunong huma-wak ng baril at makipagbarilan! Pero ang tanong na naman, bakit may ganitong mga armas ito, saan galing at sino ang nagbigay o nagbenta? Ang perwisyo ni Ivler sa lipunan ay nagsimula noong 2004, nang mabangga niya at ma­patay ang isa pang opisyal ng gobyerno. Nagtangkang tumakas ng bansa pero nahuli. May kinalaman din ang kanyang ina roon. Patung-patong ang mga kaso laban sa kanya, pero nakalaya. Kinokonsen-siya na kaya ang mga nagpalaya kay Ivler noong 2004? Maraming nagta­tanong kung bakit nakakapagma-        neho pa siya kung may kasong homicide noong 2004. Daming mga tanong.

Salamat naman at nahuli na si Ivler. Nagdulot din     siya ng perwisyo sa isang OFW sa Qatar na ikinulong doon dahil napagkamalan, Huwag na huwag pakaka­walan si Ivler. Sa klase ng pag-iisip, gaganti siya sa nangyari sa kanya kapag nakatakas o kapag pina­kawalan. Kasuhan na at ikulong nang habambuhay.

ASIAN DEVELOPMENT BANK

BLUE RIDGE

IVLER

JASON AGUILAR IVLER

JASON IVLER

PERO

SHY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with