^

PSN Opinyon

'Sabit na, lusot pa!' (huling bahagi)

- Tony Calvento -

NUNG LUNES, naisulat namin kung paano nilaslas sa leeg, tinadtad ng saksak ang buong katawan ng isang 52 taong gulang na kinilalang si Sancho Borromeo kasama ang kanyang anak na 11 anyos na anak nitong si John Gerald alyas “Dupong”.

Karima-rimarim ang sinapit ng mag-ama habang sila’y lulan ng isang ‘tricycle’ at naghahatid ng ‘Galletas’ (isang uri ng matigas na tinapay) mula sa kanilang ‘bakery’.

Si Sancho ay kilalang sikat na panadero sa kanilang lugar sa Iriga City, Camarines Sur.

Ayon sa kanyang pamilya na lumapit sa aming tanggapan wala siyang kilalang kaaway na maaring gumawa nito maliban sa kanyang kaalitan tungkol sa isang pirasong lote (300sqm) na matatagpuan sa San Nicolas, Iriga City.

Hindi iba ang taong kanilang tinutukoy sa katunayan, nakata­tandang kapatid siya ni Sancho ito ay si Krisanto Borromeo.

Si Joel Borromeo o Oboy, 29 na taong gulang ay nanggaling pa sa Iriga at personal kaming tinukoy upang humingi ng tulong.

AYON KAY OBOY may nakakitang testigo ito ay si Danilo Marmol alyas “Danny”, residente ng Bula. Nagkaroon umano siya ng pagka­kataong mamukhaan ang mga taong ito pati na rin ang kanilang mga suot. Nakita niya umano ang dalawang lalaking tumatakbo palayo sa ‘tricycle’ na pagmamay-ari ni Sancho.

Sa gilid ng tricycle na ito nakita ni Danny ang bangkay ng mag-ama. Ayon kay Oboy nagpunta ang kanilang testigo mismo sa pulis istasyon. Kinumpirma umano ni Danny na sina Gernan Sabenorio at Leonel Tarnate ang dalawang lalaking tumakbo papunta sa uma (palayan).

Maliban pa rito kinilala ni Danny yung brown na bag na umano’y pinagpapasahan nila Rey at Leonel habang nanakbo. Sa kasamaang palad ang pag-identify sa mga suspek at pati na rin sa bag sa presinto ay hindi naisali sa sinumpaang salaysay na isinumite sa Prosecutor’s Office, Cadlan, Pili, Cam Sur.

“Nakakaduda kung bakit ang isang importanteng impormas­yon ay hindi sinali ng mga pulis,” sabi ni Oboy.

Sigurado si Oboy sa kanyang pahayag dahil nandun siya mismo ng magpunta ang kanilang testigong si Danny sa presinto. Napansin din niya na walang imik ang dalawa habang dinidiin ni Danny tanging si “Rey”, kapatid ni Gernan ang nagsalita.

“Sasabihin ko na ang nangyari… Alam ang ko lahat! Titestigo ako,” wika umano ni Rey kina Danny.

Base sa ‘affidavit’ na ginawa ni Rey, Ang tiyo ni Oboy na si Krisanto at asawa nitong si Erlina ang nag-utos sa pagpatay kay Sancho.

Narinig umano ni Rey na nag-uusap ang kanyang kapatid at ang kanilang ‘land lady’ na si Erlina. Napakinggan niya umano si Gernan na sinabing, “Sigurado na yan Sancho na yan. Magbayad na sana. Kita tayo sa waiting shed tapat ng Banco de Oro, ”. Ito daw ay tungkol sa planong pagpatay kay Sancho.

Kwento ni Oboy, inamin sa kanya ni Rey na minsan na rin siyang inalok ng mag-asawa na sumama sa pagpatay kay Sancho. Hindi ito kaya ng kanyang konsensya kaya’t tinanggihan niya ito. Tumayong ‘principal witness’ si Rey sa pagpatay kina Sancho at Dupong.

Kinabukasan, nagsampa ng kasong ‘Double Murder’ ang pamilya Borromeo laban sa mag-asawang Krisanto at Erlina, Gernan at Leonel.

Lumakas ang pag-asa ni Oboy na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang ama at bunsong kapatid. Maliban kay Danny na una ng tumestigo ay tumibay ang kanilang kaso dahil sa mga salaysay ni Rey.

Disyembre 2009, nang makatanggap ng ‘counter affidavit’ sina Oboy. Nabigla siya ng magbigay ng bagong ‘statement’ si Rey na pumapanig sa kalaban. Nakasaad sa counter affidavit na ginawa ni Rey na pinilit lamang siya ng pamilya ni Sancho na tumestigo.

Tinakot umano ni Oboy at kapatid na si Sancho Jr. Pinagbantaan umano siyang papatayin maging kanyang pamilya kapag hindi tumes­tigo sa krimen. Pati umano sasabihin niya’y tinuro ng mga ito bago pa umano siya i-‘turn over’ sa presinto.

Disyembre 18, 2009, nailabas ang resolusyon ng kasong ito. Na-‘withdraw’ ang sinampang reklamo nila Oboy dahil sa kakulangan sa sapat na ebidensyang magpapatunay na sila ang sangkot sa pag­patay sa mag-ama at ang pag-recant o pagbawi ng salaysay ni Rey.

Sampung araw matapos mailabas ang resolusyon ay pinawalan sina Gernan at Leonel. Hindi matanggap ni Oboy ang kinahinatnan ng kasong ito. Ayon sa kanya’y walang ibang makakagawa ng ganitong brutal na pagpatay sa kanyang ama’t kapatid kundi ang kanyang tiyuhin.

 Nagsadya sa aming tanggapan si Oboy sa pag-asang matulungan namin siya. Inere namin sa aming programa sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ 882khz (tuwing 3:00 ng hapon) ang istorya ni Oboy.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, wala talagang magagawa ang prosecutor kundi i-dismiss ang kaso unang-una na dahil bumaligtad itong si Rey. Ang salaysay naman ni Danilo ay kulang dahil hindi naisali sa kanyang affidavit ang tungkol sa pagkakakilala sa dalawang hinuli ng mga pulis.

Gumawa nga ng supplemental affidavit si Danilo, ito naman ay isinumite noong December 11, 2009. Matagal na panahon matapos nakapagbigay siya ng kanyang naunang salaysay at pagkatapos na bawiin ni Rey ang kanyang mga pahayag sa panimbang ng taga-usig ito’y isang ‘after thought’.

Pinayuhan namin siya na mangalap ng iba pang testigo at gumawa ng panibagong salaysay itong si Danny at kanilang ire-file sa Prosecutor’s Office Pili, Cam. Sur.

Wala naman “legal impediment” sa paggawa nito dahil hindi pa naman naa-‘arraign’ ang mga akusado kaya’t hindi nila maaring gawing panangga ang ‘principle of double jeopardy’. Kami nakikiisa sa panawagan ng pamilya ni Oboy na kung sinuman ang makaka­pagbigay ng impormasyon dito sa pagpatay kina Sancho at Dupong ay maari lamang na makipag-ugnayan sa aming tanggapan.

(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

Para sa inyong reaksyon at sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City. Bukas din ang aming tanggapan tuwing Sabado mula 8:30AM-12NN. Maari din kayong tumawag sa aming 24/7 hotline sa numerong 7104038.

* * *

Email: [email protected]

GERNAN

KANYANG

LSQUO

OBOY

REY

SANCHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with