Sana ay hindi mapalpak ang unang automation
NAKAPANGANGAMBA na baka raw hindi maidileber lahat ang mga makinang gagamitin sa May 10 elections. Delikado ito. Kauna-unahan pa namang automated elections sa bansa. Mahigpit kong minomonitor ang mga kaganapan sa Comelec kahit narito ako sa US. Nagbabantay ako para maiulat sa mga Pinoy dito sa US ang mga nangyayari. Ang usapin ukol sa mga makinang gagamitin sa election ay mahalaga kaya dapat ba tutu-kan. Dapat matutukan din ng taumbayan ang mga nangyayari sa Comelec lalo pa ng tungkol sa mga gagamiting makina.
Tinanggap ng Comelec ang listahan ng mga kandi-dato sa pagka-presidente, bise president at mga sena-dor, subalit meron silang binawas.
Sa palagay ko, may katwiran ang Comelec kung bakit kailangang huwag nang patakbuhin pa ang ilang tinanggal sa listahan lalo na ang mga nasa presidentiables. Subalit, sa isang iglap, ibinalik na muli ang ilang pangalan sa listahan,
Nalilito ako kung ano ang nangyayari at kung ano ang gustong ipasunod ng Comelec. Makasisira ito sa kredibilidad ng Comelec. Dapat sanang maging maliwanag ang nais ipasunod ng Comelec nang sa ganoon ay madaling maunawaan ng ating mga kababayan kung sakali mang ang Comelec ay may nais ipabago sa mga nauna na nitong inihayag. Hindi katulad ngayong sa isang iglap ay may nababago sa mga kautusan.
Dapat pangalagaan ni Comelec Chairman Jose Melo ang kanyang magandang pangalan at karangalan. Sana ay hindi pumalpak ang Comelec sa paghahatid ng kauna-unahang election automation sa bansa. Ipagdasal natin ang pagtatagumpay nito sa ikabubuti ng mga Pilipino.
- Latest
- Trending