^

PSN Opinyon

Erap at Binay nanguna sa 'mock election' sa Kuwait

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

SINA Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) presidential candidate Erap Estrada at vice presidential bet Jojo     Binay ang nanguna sa “mock election” na isinagawa ng Pilipino community sa Kuwait kamakailan.

Dahil dito, kami ng aking panganay na anak na si     Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay nagpapasalamat sa patuloy na sumusuporta kay Erap at mga kasamahan sa PMP.

Sa mock election, 55 Pinoy ang lumahok na kinabi­bilangan ng 33 lalaki at 22 babae, kung saan ang lima ay nasa age bracket na 18 to 25 years old; ang 25 ay edad 26 to 35; labinlima sa 36 to 45; walo sa 46 to 55; isa sa 55 to 65; at isa sa above 66 years old na age bracket.

Nanguna si Presidente Erap na nakakuha ng pina­kamataas na botong 25 o katumbas ng 45%; kasunod si Noynoy Aquino (20 boto o 36%); ikatlo si Gilbert Teodoro (anim na boto, 11%); pang-apat si Richard Gordon (tatlong boto, 5%); Manny Villar (isang boto, 2%); habang sina John Carlos delos Reyes, Jamby Madrigal at Eddie Villanueva ay walang nakuhang boto.   

Sa vice presidential race naman, si Jojo Binay ay nakakuha ng 18 boto o katumbas ng 33%; si Mar Roxas ay nakakuha rin ng 18 boto (33%); si Bayani Fernando ay 8 boto (15%); kasunod si Loren Legarda (7 boto, 13%); Edu Manzano (2 boto, 4%); Dominador Chipeco (1 boto, 2%); sina Jay Sonza at Perfecto Yasay ay parehong walang nakuhang boto; at isa naman ang nag-abstain.

Ang mock election ay nagpapatunay na si Erap at ang PMP ay mahal na mahal ng mga Pilipino hindi lang dito sa ating bansa kundi pati rin sa ibayong-dagat.

BAYANI FERNANDO

BOTO

DOMINADOR CHIPECO

EDDIE VILLANUEVA

EDU MANZANO

ERAP

ERAP ESTRADA

GILBERT TEODORO

JAMBY MADRIGAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with