^

PSN Opinyon

Hokus-pokus sa Aduana di alam ng Malacañang?

- Al G. Pedroche -

MAHIGPIT na kailangan ng pamahalaan ang mas ma­laking revenue, alam natin iyan. Pero nakalulungkot na tinatayang P50 billion ang collection shortfall ng Bureau of Customs (BOC) para sa taong 2009. Ito raw ay dahil patuloy na humihina ang importasyon ng pamahalaan. Iyan kaya ang tunay na dahilan o mayroong iba?

 Ayon sa ating impormante, isang opisyal ng Aduana na eksperto sa IT ang tanging nakakaunawa sa problema. Siya ang nangasiwa ng computerization ng ahensya at walang ibang nakakaalam sa pagpa­patakbo ng sistema. Siya lang daw ang ubrang bu­muklat sa datos ukol sa mga kita ng Customs. Hindi pwedeng usisain o pag-aralan ng iba ang mga datos sa sistemang iisang tao lang ang nakakaalam.

 Bakit nangyari ang ganito? Kasi, sa computerization program ni IT expert, pinabayaan siya na kahit sinong magpasok ng mga dokumento sa computer system ay hindi malalaman ang final result kundi siya lamang. Grabe talaga!

Sabi ng iba, malakas daw ang IT expert sa isang opisyal sa palasyo. Pati si Customs Commissioner Napoleon “Boy” Morales ay hindi makapalag. Hindi rin makapanghimasok si Commissioner dahil halos wala siyang alam sa computer technology. Iyan na raw ang gawain ni IT expert simula pa nung pa­na­hon nina Pangu­long Fidel Ramos, Pangulong Erap Es­trada, at ngayon naman ay Pangulong Gloria Arroyo.

Sinasabi na ang dalawang tunay na bosing ng taong ito ay mga dating pinuno ng Bureau of Internal Revenue at ng Bureau of Customs. Bakit kaya tila wa­ lang kamalay-malay ang Mala­cañang sa pangyayaring ito?

Tila mas mahusay pa ang source natin kaysa sa mga intelligence expert ng Mala­cañang. Just asking.

vuukle comment

BAKIT

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CUSTOMS COMMISSIONER NAPOLEON

FIDEL RAMOS

IYAN

PANGULONG ERAP ES

PANGULONG GLORIA ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with