^

PSN Opinyon

Tapos ang problema

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

“KUNG mag-resign na lang sana si Sen. President Enrile, tapos ang problema.” Kung si Cong. Edno Joson ang masusunod, hamunin dapat si JPE na isakripisyo na lamang ang posisyon sa ngalan ng pagkapanatag ng bansa sa isang maayos na line of succession.

Ang sanhi ng kapraningan ni Cong. ay ang posibilidad ng magkagulo sa eleksyon at walang malinaw na mana­nalo. Kung patapos na ang termino ni (1) Gng. Arroyo, (2) VP de Castro, (3) Sen. Pres. JPE, (4) Speaker Nograles at maging ni (5) CJ Puno, wala nga namang matiti-        rang acting President pansamantala. Kaya pinipilit    iupong Sen. President ang isa sa Senador na hanggang 2013 pa ang termino.

Bangungot din ang vacancy ng Chief Justice. Magre­retiro sa May 17 si CJ Puno. Sa Saligang Batas, ang Pre­­sidente ay may 90 days upang punuin ang anumang vacancy sa Supreme Court. Ang problema ay ang iba pang probisyon na ipinagbabawal sa Presidente ang pag-appoint ng sinuman sa loob ng dalawang buwan bago mag-Presidential election maging hanggang katapusan ng nalalabing termino. Ito ay bunga ng mapait na karana­san sa midnight appointments nung panahon ni President Diosdado Macapagal.

Pagpatak ng May 17, pihadong nakapili na ang bansa ng bagong uupong Presidente. Sa kabila nito, determi­nado si Gng. Arroyo na magtalaga ng kapalit na Chief Justice. Siempre diskumpiyado ang oposisyon sa motibo ng Palasyo. Iwan dapat sa bagong Presidente ang desis­yon. Pwede namang acting Chief Justice ang pinaka-senior na Mahistrado.

Mas maganda kung may permanenteng Chief Justice — mismong si CJ Puno ay pabor dito dahil    sa mga sensitibong desis­yong haharapin ng Supreme Court lalo nga kung nagkagulo. Kung ito talaga ang gusto, dalawa ang puwedeng solusyon: Una, ipilit ni Gng. Arroyo na   mag-appoint sa May 17. Siguradong kukuwestiyu-nin sa Supreme Court pero matatagalan bago maak­syunan ito ng pinal. Lalo pa kung sa hanay din ng Korte manggagaling ang ipupu­westo. Pansamantala ay manunungkulan ang kapa-lit at magagampanan ang mga obligasyon ng Chief Justice.

Ang pangalawang po­sibilidad? Sabayan ni CJ Puno na magresign si    Sen. Pres. JPE. Gaya ng sinabi ni Cong. Joson – eh di tapos ang problema!

CHIEF JUSTICE

EDNO JOSON

GNG

KUNG

PRESIDENT DIOSDADO MACAPAGAL

PRESIDENT ENRILE

PUNO

SHY

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with