ISANG organization ang Green Force party - list, na ang layunin ay alagaan, protektahan at sagipin ang Mother Earth sa Philippines my Philippines.
Ang Green Force, ay itinatag noon March 3, 2008, sa pangunguna ni Ramon R. Ignacio, bilang chairperson at Guillermo ‘Maui’ Lazaro Jr., bilang Secretary General, sangkaterba ang miembro nito na halos hindi kumikibo dahil ang pinagkakaabalahan ay makatulong sa problema regarding climate change.
Itinuturo ng Green Force sa madlang people ng Republic of the Philippines kung paano sugpuin ang pag-laganap ng climate change at nakikipagtulungan sila sa iba pang mga organization may katulad na adhikain sa buong mundo.
Madlang people ang makikinabang at mga kaapo - apuhan natin lahat kapag nagkaroon ng kasagutan kung paano masusugpo ang problema sa climate change.
Ang Green Force party-list, ay naka-center sa kalikasan, kapaligiran at kinabukasan ng mamamayan sa Republic of the Philippines my Philippines para makipagtulungan upang sugpuin ang paglala ng pagkasira ng mother lily este mali mother nature pala.
RFID stop muna SC
STATUS quo ang pagpapatupad ng Land Transportation Office sa bago nilang pagkakakitaan este mali programa pala para sa itinutulak nilang Radio Frequency Identification na kinasusuklaman naman ng madlang pinoy.
Balik pera para sa mga nakakuha ng RFID dahil ipina-freeze muna pansamantala ng Supreme Court ang usapin regarding this matter.
Sabi nga, soli pera!
Bhe, buti nga......
Nagtataka ang mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit pinagpipilitan ng LTO na ipatupad ang paglalagay ng RFID sa mga sasakyan samantala wala naman daw itong pakinabang?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sa hirap ng panahon ngayon kailangan magtipid o turuan magtipid ang madlang people sa Philippines my Philippines hindi iyon porke may kikitain ang mga bugok ay pagtutulakan nila ang proyekto kahit hindi mapapakinabangan.
Sabi nga, pang - dekorasyon lang!
Ilang buwan na lang at mapapalitan na ang mga bright sa Malacanang kapag nangyari ito may chain reaction dahil automatic na sibak lahat ang nilagay ng palasyo sa mga juicy position na government offices.
Sabi nga, pagbaba ng reyna baba lahat ang sipsip este mali alagad pala.
Huwag na itong itulak at kung may balak man ang sinuman may gustong ipatupad ang RFID siguro sa susunod na administrasyon na lamang para panibagong “lagay”? Hehehe!
Sa mga kumita sa programa isauli ninyo ang pitsa kawawa naman ang mga nakunan ng million of pesos na halaga.
Abangan.
Dalawang terorista sa NAIA
THE other night isang Saudi national na nagpanggap na siya ay piloto ang pumasok sa departure area, bumili ng pabango sa duty free at bumaba sa arrival area sa hindi malaman dahilan.
Sabi nga, breach of security!
Sa tindi ng bantayan blues sa loob ng airport ay halos walang makapasok sa paliparan lalo’y walang suot na identification card para mga employees todits at access pass naman para sa mga buwisitor este mali visitors pala.
Pero si Hani Bonkary, isang Saudi national na may mahabang buhok na mukhang lagapot ay nakapasok sa paliparan gamit ang isang dependent Saudi Arabia Airlines ID kasi nga ang erpat nito ay isang retired employee ng nasabing company.
Sabi nga, binigyan ng go signal na mga taong manning the entrance gate sa departure area.
‘Paano ngayon kung isang terorista ang lagapot?’ tanong ng kuwagong NAIA employee na ayaw papasukin dahil walang MIAA ID.
‘Sabog ang paliparan tiyak iyon, sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘Naawa pa ang ilang plastic people sa arabo ng mahuli ito sa arrival area ng paliparan. Paano naman kung hindi siya Arabo at isa itong Filipino?’
‘Akala ko ba dalawang terorista ang nahuli sa airport?’
‘May isa pang terorista ang nasungkit sa airport last Monday’
‘Sino siya?’
‘Kamote, isang ahas kaya naman nagtakot ang mga lagapot na nakakita dito’
Sabi nga, takbuhan doon, takbuhan dito, tsimis dito, tsismis doon, isyoso doon, isyoso dito.
Ano ang nangyari sa dalawang sinasabing terorista?
Pareho silang na-turn over sa Pasay City authorities for further investigation.