^

PSN Opinyon

Sa gawa at hindi salita

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

(Unang Bahagi)

KASO ito ng mag-asawang Dario at Narda. Sila ang may-ari ng isang parselang lupa na nakasangla ng P1.4 milyon sa bankong PSB. Matagal na ang utang at dapat na itong bayaran. Upang hindi maremata ng banko, humingi ng tulong si Dario sa REIC, isang kompanyang nasa export/import. Si Dina ang president at chairman na kumakatawan sa kompanya. Tinulungan ng REIC ang mag-asawa, binayaran nito ang utang sa banko at pina­utang pa ng P600,000 kaya umabot sa P2 milyon ang kanilang utang.

Nang hindi na rin makabayad ang mag-asawa sa REIC, nagkasundo sila na ibabayad na lang ng mag-asawa sa REIC ang isa pa nilang lupa kapalit ng utang. Ang lupa ay may sukat na 7,074 metro kuwadrado at nagkakahalaga ng higit sa P2 milyon. Ang napagka­sunduang presyo ng lupa ay P3.5 milyon.

Noong Hunyo 25, 1994, isang kasulatan ng bentahan ang ginawa at pinirmahan ni Dario. Pagkatapos, binigyan pa rin ng REIC si Dario ng palugit na hanggang anim na buwan upang bayaran ang utang na P2 milyon. Saman­tala, hindi pa pumipirma si Narda sa kasulatan ng ben­tahan at hawak pa rin ng mag-asawa ang lupa.

Ayon naman sa REIC, ang napagkasunduan ay pipir­mahan ni Narda ang kasulatan ng bentahan at pagkata­pos ay saka magbabayad ang kompanya sa natitirang P1.5 milyon. Nakahanda naman daw tumupad sa napag-usapan ang kompanya. Katunayan, idineposito na ang pera sa banko ng Maybank) at nilipat na lang sa pangalan ng abogado ng kompanya. Nang ayaw pa rin ni Narda na pirmahan ang kasulatan    ng bentahan, napilitan na ang kompanya na ipare­histro (annotate) ang ka­rapatan nito sa titulo ng lupa, lalo at hindi naman mailipat sa pangalan ng kompanya ang titulo dahil hindi nga pumirma si Nar­da.  (Itutuloy)

vuukle comment

AYON

DARIO

ITUTULOY

KATUNAYAN

NANG

NARDA

NOONG HUNYO

SHY

SI DINA

UNANG BAHAGI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with