DAPAT aksiyunan agad at pag-usapan sa harap ng komite ang reklamong may kinalaman sa sexual harassment, eto ang mariing pahayag ng Commission on Higher Education.
Hinggil ito sa pakikipanayam ng BITAG sa tangga-pan ni CHED Exec. Director Atty. Julito Vitriolo sa sumbong ng 17 anyos na estudyante ng isang Maritime University sa Maynila.
Matatandaang ang sumbong, sexual harassment laban sa kanyang professor na Dean din ng kanilang College Department.
Ito’y matapos siyang iliban sa klase upang dalhin sa isang fast food chain at simulang buyuin, alukin at pag-usapan ang tungkol sa pakikipagtalik.
Mali ang ginawa ng eskuwelahang ito, diretsahang sinabi ni Atty. Vitriolo dahil hindi sinunod ng nasabing unibersidad ang CHED Memorandum 26 kung saan nasasaad ang mga regulasyon sa paghawak ng kasong sexual harassment sa loob ng paaralan.
Sa salaysay ng magulang ng biktima, Nobyembre ng taong 2009 nailapit na nila ang reklamo sa Vice President ng Maritime University na ito at hanggang sa kasalukuyan, walang imbestigasyon at aksiyong nangyari.
Ayon sa CHED, isang komite ang dapat binubuo upang isagawa ang imbestigasyon. Oras na ipinahatid na ang reklamo sa institusyon o nakatataas sa paaralan, hindi na pinatatagal pa ang usapan.
Dahil kaligtasan at seguridad ng estudyante ang pangunahing pinangangalagaan kaya naman nahaharap na matanggal sa paaralang pinapasukan ang propesor o gurong inirereklamo.
Subalit sa kaso ng nagrereklamong biktima na luma-pit sa BITAG, nagtuturo pa sa kanilang klase ang kaniyang professor na minsa’y kinumpronta pa ang bikti-ma dahil sa kaniyang pagrereklamo.
Ayon kay Atty. Freidrick Lu, ang sexual harassment ay hindi lamang maituturing na pam-pisikal o yung may body contact kundi maaari rin sa pamamagitan ng visual o non verbal katulad ng pagtingin at pagkilos.
Sexual harassment ring maituturing ang pagsipol o pagkokomento sa katawan ng isang babae o pag-aaya ng pakikipagtalik rito o tinatawag na verbal sexual harassment.
Nananatiling tikom ang bibig at nagbibingi-bingihan ang Maritime University na aming tinutukoy at tila nangungutya pa sa magulang ng biktima sa pagtatanong kung anong susunod na hakbang na gagawin ng BITAG. Tutukan ang pagkilos ng aming grupo sa kasong ito.
Abangan!