^

PSN Opinyon

Sa kasong sexual harassment, PMI, patay malisya pa rin!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

DAPAT aksiyunan agad at pag-usapan sa harap ng komite ang reklamong may kinalaman sa sexual harassment, eto ang mariing pahayag ng Commission on Higher Education.

Hinggil ito sa pakikipanayam ng BITAG sa tangga-pan ni CHED Exec. Director Atty. Julito Vitriolo sa sum­bong ng 17 anyos na estudyante ng isang Maritime University sa Maynila.

Matatandaang ang sumbong, sexual harassment laban sa kanyang professor na Dean din ng kanilang College Department.

 Ito’y matapos siyang iliban sa klase upang dalhin sa isang fast food chain at simulang buyuin, alukin at pag-usapan ang tungkol sa pakikipagtalik.

Mali ang ginawa ng eskuwelahang ito, diretsahang sinabi ni Atty. Vitriolo dahil hindi sinunod ng nasabing unibersidad ang CHED Memorandum 26 kung saan nasa­saad ang mga regulasyon sa paghawak ng kasong   sexual harassment sa loob ng paaralan.

Sa salaysay ng magulang ng biktima, Nobyembre ng taong 2009 nailapit na nila ang reklamo sa Vice President ng Maritime University na ito at hanggang sa kasa­lukuyan, walang imbestigasyon at aksiyong nangyari.

Ayon sa CHED, isang komite ang dapat binubuo upang isagawa ang imbestigasyon. Oras na ipinahatid na ang reklamo sa institusyon o nakatataas sa paaralan, hindi na pinatatagal pa ang usapan.

Dahil kaligtasan at seguridad ng estudyante ang pa­ngu­nahing pinangangalagaan kaya naman nahaharap    na matanggal sa paaralang pinapasukan ang propesor   o gurong inirereklamo.

Subalit sa kaso ng nagrereklamong biktima na luma-pit sa BITAG, nagtuturo pa sa kanilang klase ang ka­niyang professor na minsa’y kinumpronta pa ang bikti-ma dahil sa kaniyang pagrereklamo.

Ayon kay Atty. Freidrick Lu, ang sexual harassment ay hindi lamang maituturing na pam-pisikal o yung may body contact kundi maaari rin sa pamamagitan ng visual o non verbal katulad ng pag­tingin at pagkilos.

Sexual harassment ring maituturing ang pagsipol o pag­kokomento sa katawan ng isang babae o pag-aaya ng pakiki­pagtalik rito o tinatawag na ver­bal sexual harassment.

Nananatiling tikom ang bi­big at nagbibingi-bingihan ang Maritime University na aming tinutukoy at tila nangungutya   pa sa magulang ng biktima sa pag­tatanong kung anong susu­nod na hakbang na gagawin   ng BITAG. Tutukan ang pagkilos ng aming grupo sa kasong ito.

Abangan!

AYON

COLLEGE DEPARTMENT

DIRECTOR ATTY

FREIDRICK LU

HIGHER EDUCATION

JULITO VITRIOLO

MARITIME UNIVERSITY

SHY

VICE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with