^

PSN Opinyon

Ang '2 tulay' ng Pil-Ams sa kanilang bansang sinilangan

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

PINAG-UUSAPAN ng Pil-Ams dito sa America ay tungkol sa bagong programa ng The Filipino Channel (TFC) ngayong bagong taon 2010. Panay na panay ang promo ng TFC sa kanilang mga bagong teleserye. Sinusu­baybayan ng mga Pil-Ams dito ang teleserye. Paborito rin ang TV Patrol at iba pang mga news and current affairs program ng ABS-CBN.

Balita ko, mga top star-cast ang mga soap opera na uumpisahan ng TFC sa unang linggo ng Enero upang palitan ang mga teleserye na matagal na ring sinusu­baybayan ng TFC subscribers Gagamitan nila ng bagong formula ang pagla-launch nila sa kanilang bagong star­cast ng mga bagong soap opera.

Ibi-build-up daw ng TFC ang kanilang young stars na nagkaroon na rin ng sariling mga tagasubaybay dahil sa kanilang mga dating teleserye. Paghahaluin nila ang young stars na ito sa mga old time TFC movie stars na gaya nina Gabby Concepcion, Agot Isidro at Ruel San­tiago at bagong stars na tulad nina Erich Gonzales, Enchong Dee at Melissa Ricks. Base sa mga sample na ipinakikita nila, marami ngayong Pil-Ams na halos lahat ay TFC subscribers.

Marami sa Pil-Ams dito sa Amerika ay TFC sub­scribers at GMA subscribers. Ang dalawang ito ang kanilang tulay sa Pilipinas. Nagiging up-to-date sila sa mga nangyayari sa Pilipinas. Hindi raw nila nami-miss ang kanilang bansang sinilangan. Kaya hindi nila ­bini­bitawan na maging members ng mga ito. Lalo na nilang hindi pinala­lampas ang lahat halos ng mga teleserye ng dalawang TV stations.

Naiintindihan ko ang gusto nilang sabihin. Buhos na ang kanilang pagtatrabaho rito sa Amerika upang kumita nang malaki para sa kanilang mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas. Nais nilang may inspirasyon sa pag-uwi nila ng bahay mula sa paghahanapbuhay . Ang TFC at GMA dito sa Amerika ang tanging nagbibigay kasiyahan sa kanila habang malayo sa kanilang mga mahal sa buhay.

AGOT ISIDRO

AMERIKA

BAGONG

ENCHONG DEE

KANILANG

PIL-AMS

PILIPINAS

SHY

TFC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with