Abusong gastusin ni GMA sa distrito
KUNG tutuusin wala sanang ilegal sa pagbuhos ni Gloria Arroyo ng P459 milyon sa kanyang 2nd district ng Pampanga nitong nakaraang 12 buwan. Pero nang mag-file siya ng kandidatura pagka-kongresista, naging mali at kahiya-hiya ang gastusin. Mahigit anim na beses ang laki nito kaysa P70 milyong karaniwang pork barrel ng isang kongresista. Presidente lang ang makakakalap ng gan- yang pondong publiko. Kaya’t malinaw na inabuso niya ang kapangyarihang maglaan ng pondo para sa sariling kapakanan — ang manalo sa eleksiyon. Lalo na’t wala naman ibang distritong napaboran nang gan’un — miski pook nina Senate President Juan Ponce Enrile o Speaker Prospero Nograles. At lalo pa dahil parang pamimili ng boto ang mga proyektong libreng Philhealth cards at iba pang pabuya.
Labag ito sa Konstitusyon. Anang Article 7, Executive Department, Section 4, “The President shall not be eligi ble for any reelection.” Ang pag-interpreta nito nang makitid — na patukoy lang ito sa pagtakbo ng Pangulo ng dagdag na termino — ay taliwas sa pakay ng mga umakda ng Freedom Constitution. Nakasulat sa kasaysayan na binalak nilang hindi na muli magkaroon ng one-man ruler for life na tulad ni Marcos. E kung tutuusin ay inaasinta ni Arroyo sa pag-kokongresista ay maging Spea-ker o Acting President, at tapos ay Prime Minister sa big-laang shift sa parliamentary.
Nangangatuwiran pa ang Arroyo spokesmen. Kesyo raw sa presidential system ng America, na kinopya lang ng Pilipinas, nagkaroon ng Presidente na nag-congressman — si John Quincy Adams. Pero binabali na naman ng spokesmen ang kasaysayan. Ang totoong nangyari ay natalo muna si Adams sa reelection bid. Kaya napilitan siyang “magpahinga” nang dalawang taon. Saka lang siya tumakbong kongresista at nanalo. Hindi niya gina- mit ang poder ng Presidency sa kampanya — di tulad ni Arroyo na nakaupong Presidente habang inaasam ang pagka-kongresista.
* * *
Lumiham sa: [email protected]
- Latest
- Trending