^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Aksiyon ng Marina sa mga 'naglalayag na kabaong'

-

KUNG meron mang dapat manguna sa paghi­higpit sa mga pampasaherong barko para mai­wa­san ang mga trahedya iyan ay walang iba kundi ang Maritime Industry Authority (Marina) na pina­mumunuan ni Maria Elena Bautista. Sila ang dapat mag-inspeksiyon kung ang mga barkong bumibi­yahe ay may kapabilidad na maglayag.

Nagkaroon ng pagdinig ang Senate Blue Ribbon Committee sa paglubog ng MV Baleno 9 na pinamu­munuan ni Sen. Richard Gordon. Ginawa ang pagdinig noong nakaraang Huwebes. Ang Baleno ay lumubog noong December 26, 2009 sa may Verde Island, Batangas. Tatlumpong minuto pa lamang ang nalalakbay ng Baleno nang magsimula itong tumagilid at lumubog. Mabilis ang pangyayari. Anim ang namatay at may 54 ang nawawala sa paglubog. Galing ng Calapan City port ang barko patungong Batangas. Ang paglubog ay naganap, dalawang araw makaraan ang paglubog ng MV Catalyn sa may bunga­nga ng Manila Bay kung saan apat ang namatay.

Sa hearing ng Baleno, sinabi ng isang survivor na nakita niyang nakikipag-inuman ang kapitan ng barko sa dalawang babae habang naglalayag ang barko. Nakita rin daw niya na lasing ang dalawang crew ng Baleno. Tila raw ba nagsasaya ang kapitan habang kasama ang dalawang babae. Tila isang Christmas party raw ang nangyayari sa may cabin ng kapitan. Hanggang sa mangyari ang paglubog. Wala man lang daw silang narinig sa kapitan ukol sa nangyayari at walang nagsabi kung nasaan ang mga lifejacket at salbabida.

Kung totoo ang mga sinabi ng survivor, malaki ang kasalanan ng kapitan ng Baleno kaya nangyari ang paglubog. Siya ang dapat sisihin.

Ang Marina ang dapat manguna sa pag-inspek­siyon sa mga barko at dapat sumiguro kung walang nilalabag ang mga may-ari, kapitan at crew ng mga ito. Alamin din nila kung may kakayahan ang kapitan at crew. Walang ibang makapipigil sa mga “nagla­layag na kabaong” kundi ang Marina mismo.

ANG BALENO

ANG MARINA

BALENO

BATANGAS

CALAPAN CITY

KAPITAN

KUNG

MANILA BAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with