^

PSN Opinyon

'Bless me Father for I have sinned'

DURIAN SHAKE -

“MANGUNGUMPISAL kami sa mga Bishops. Bless me Father for I have sinned kami,” ang siyang naging tu­gon ng ilan sa mga ranking military officials noong tina­nong ko kung bakit ang buong Armed Forces of the Philippines at maging ang Department of National Defense ay bumaba sa Waterfront Insular Hotel Davao noong Biyernes ng umaga kung saan ginanap ang 38th Bishop Ulama Conference (BUC) general assembly.

Mangungumpisal daw sila kasi ang last confession daw ng ating mga military officials ay centuries ago pa raw.

Pabiro nga lang yung sagot ng mga military officials sa tanong ko dahil nga sa dami nila na nakauniporme nag mistulang militarisasyon na ng ating mga kagalang-galang na mga religious leaders sa BUC. At iyon ay pu­wede ring maituring na ang pagdalo nila sa BUC conference ay isang pamaraan upang pangalagaan ang spirituality ng ating mga opisyales sa AFP at maging sa DND, kaya sila mangungumpisal.

At nang sumakay nga raw ang mga military at DND officials na sabay-sabay sa morning flight ng PAL pa­tungong Davao ng umaga ring iyon, taimtim daw silang nag­darasal kasi kung bumagsak ang eroplano, eh ‘di sabay-sabay din silang lahat mamamatay. Eh, ‘di mag­karoon ng vacuum ang ating Hukbong Sandatahang La­kas ng Pilipinas dahil nga andun si AFP chief of Staff Victor Ibrado at ang kanyang staff maging ang mga hepe ng Air Force, Navy at Army, at ang mga major commands AFP, gaya ng Central Command, National Capital Region Command at iba pa.

Kaya naging tanong ko rin sa mga military officials ay — aside from guidance and prayers, ano pa ba ang hini­hingi ninyo sa mga Obispo at ating mga Ulama or Muslim religious leaders?

Ayon kay Defense Secretary Norberto Gonzales sinadya niyang dalhin ang buong AFP at DND sa nasabing pagtitipon upang maipakita nila ang kanilang pagnanais na makadaos tayo ng isang mapayapa, honest at credible na halalan ngayong Mayo 10.

Naging mga pangunahing paksa sa BUC meeting ang issue sa private armies, loose firearms at ang halalan mismo.

Sinabi ni Davao Archbishop at BUC convenor Fernando Capalla na ang pagtitipon ay isang pa­ma­maraan na ang mga religious leaders ay mapakinggan ang mga nasabing issues at nang sila mismo ay makapag-reflect at nang sa gayon pagkatapos ng isang prayerful discernment sila ay makagawa ng moral judgment at makatulong sa komunidad.

“We need to know, we need to learn,” ayon kay Bishop Capalla.

Nandoon na ang request ni Gonzales sa BUC na tulu­ngan ang pamahalaan sa pagbuwag ng mga private armed groups. Hiningi ni Gonzales tumulong ang BUC sa pag­kumbinse sa mga may private armies na isuko nila ang ka­nilang mga armas. Partikular na hinimok ni Gonzales ang ating mga Ulama dahil nga raw majority ng mga armed groups ay nasa Muslim-dominated areas.

Ngunit hindi pupuwedeng hanggang request lang yon ng mga military at hanggang pagtango lang ng mga Obispo at ng mga Ulama.

Dapat kung papasok ang mga miyembro ng BUC sa usaping private armies at maging sa bangayan ng mga politiko, ay magkoroon ng well-defined mechanism na hindi rin mapapahamak ang mga ating mga religious leaders kung manghihimasok sila sa usaping political rivalries.

Dapat maisaayos agad ang mechanism ng pagpasok ng BUC. Kasi nga, gaya ng AFP, ang ating mga religious leaders ay hindi rin dapat mabahiran ng pulitika.

AIR FORCE

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ATING

BISHOP CAPALLA

BISHOP ULAMA CONFERENCE

BUC

CENTRAL COMMAND

GONZALES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with