^

PSN Opinyon

Nabuksan ang langit

K KA LANG? - Korina Sanchez -

MAGTATAKA pa ba ang taumbayan kung bakit malaki ang ginastos ni President Arroyo sa kanyang distrito, kung saan tatakbo siya bilang kongresista sa darating na eleksyon? Ano pa ba ang nakakagulat diyan? Kahit anong halaga pa iyan – kalahating bilyon o isang bilyon – mali­wanag na sinigurado niyang malaki ang utang na loob ng pangalawang distrito ng Pampanga sa kanya, na babayaran sa pamamagitan ng mga boto sa Mayo. Hindi kailangan ng isang senador, kongresista, abogado o nakatapos ng kolehiyo para malaman na malaki na ang kalamangan ng Presidente sa darating na eleksyon dahil sa mga proyektong pinasimuno niya. Sino pa ba ang iboboto nila?

Ngayon, inaalam na naman kung legal ang ginawa ni President Arroyo, at kung sapat ang mga pagkakamali para pigilan na siya sa kanyang kakaibang planong tu­makbo sa Kongreso. Agad namang dinepensa ng kan­yang mga rah-rah boys na walang masama sa ginawa niyang pamumuno ng mga proyekto sa kanyang distrito, dahil may nakalaan namang pondo para gawin ito. Sabay puri hanggang langit na maraming nagawa si President Arroyo kaysa sa tatlong nakaraang presidente na pinag­sama-sama pa. Si Sec. Vic Domingo ng DPWH, ang ahen­siya na nagpatupad ng karamihan sa nga proyekto ni President Arroyo, ang tagapagtanggol naman niya nga­yon. Siyam na taon na siyang nasa kapangyarihan, siguro naman mas marami siyang dapat nagawa. Marami ngang kalye, napakamahal naman at ma-anomalya pa! Planong dugtungin ang lahat ng ahensiya at lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng broadband, may suhulan at patong na napakalaki naman! Nabuko, kaya hindi na tinuloy, at wala pang nananagot!

Sa madaling salita, pinagyayabang ang mga nagawa, dahil may mga baho na kailangang hindi na mapan­ sin. Marami ang masasabi sa isang taong pinagyaya­bang ang kanyang mga nagawa. Ang tunay na pinuno ng bayan, na siyang minamahal at nirerespeto, ay hindi na kaila­ngang magyabang. Maliban pa sa lahat ng nabanggit ko, masamang halimbawa ang ipinakita ni President Arroyo sa taumbayan. Na siya ay may pina­pabor na lugar, at hindi pantay-pantay ang turing sa ibang lugar ng Pilipinas. Bilang pinuno, siya ang tunu­turing na ina ng bayan. Eh may paborito pala kaya pa­sen­siya na lang ang ibang mga “anak”. Pero walang pakialam ang presidente sa kanyang imahe, basta’t ang mga kailangang alagaan ay hawak na niya, at ang kan­yang tunay na hangarin ay maaabot.

ANO

BILANG

KAHIT

KONGRESO

MARAMI

PRESIDENT ARROYO

SHY

SI SEC

VIC DOMINGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with