^

PSN Opinyon

'Doc, saan ba nagmula ang cancer?

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

‘‘Dear Dr. Elicaño, tanong ko lang po kung saan at kung bakit nagkakaroon ng cancer at madali po bang malaman kung saan ito nanggaling. Wala po akong gaanong ideya ukol sa cancer at palagay ko ang katulad mo pong      cancer specialist lamang ang may karapatang sumagot sa aking katanungan.” –Ms. PIA DE LOS MARTIRES, San Pedro, Laguna

May mga cancer na hindi agad malaman ng mga doktor kung saan orihinal na nanggaling. Kung minsan ay makakakita sila ng mga matitigas na bukol sa katawan o kaya naman ay sa X-ray film na nagpapakita nang kaka­ibang paglaki ng baga. Sa mga ganitong pagkakataon, lubhang napakahirap i-manage ng pasyente. The cancer specialist must determine whether the patient has a curable malignancy and can benefit from non-toxic systemic therapy.Pagkatapos kunin ang history ng pasyente, kaila­ngang magsagawa ang doktor ng dibdibang physical examination dito. Inspeksiyunin ang balat sa kung may bukol sa batok, leeg, singit, suso, tumbong, bayag, thyroid, cervix at ovaries. Kung may makitang malaking bukol, kailangang ma-determine agad ng doctor kung saan ito nagmula.Kailangang kumuha ang doktor ng sizable piece ng cancerous tissue upang maisagawa ang diagnosis dito. Sa ganitong paraan makikita ang pinagmulan ng cancer cells. Kung ang cancer ay ma-identify ng pathologist na adenocarcinoma, ito ay nag-originate sa baga, suso, obar­yo, tiyan, colon o pancreas. Kapag na-identify namang squa­mous cell cancer. Ang pinagmulan naman nito ay maaaring sa ulo, batok o baga.Other tumors may come from undefferentiated teratomas (a tumor composed of tissue which usually does not grow in the region where the tumor is located), lymphomas, (a tumor composed of lymph node tissue), melanomas (a cancer derived from cells containing pigment), sarcomas (a malignant tissue made up of connective tissues) and endocrine cancers that include the thyroid.Ang pag­sasagawa ng chest x-rays, upper GI series, barium enema, mammography at computerized tomography ay makatutulong upang matun­ton ang pinagmulan ng cancer.

Ang pagsasa­gawa ng diagnostic ultrasound at magnetic resonance imaging (MRI) ay makatutulong. Masyado la­mang magastos ang mga na­ banggit na tests at maaaring hindi makaya ng mga pasyen­teng nasa middle at lower class.

CANCER

DR. ELICA

INSPEKSIYUNIN

KAILANGANG

KAPAG

KUNG

MASYADO

SAN PEDRO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with