^

PSN Opinyon

Jinggoy, patuloy na No. 1 sa mga survey

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

ANG buong pamilya Estrada ay tuwang-tuwa at lubos na nagpapasalamat sa sambayanang Pilipino na tuloy-tuloy na nagdedeklara sa aking panganay na anak na    si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estra­da bilang “Number 1 Choice” sa pagiging senador ng ating bansa.

Partikular na laging pinapupurihan ng ating mga kaba­bayan ang kasipagan at kahusayan ni Jinggoy sa pag-ga­nap ng tungkulin bilang mambabatas at laluna bi-    lang chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and      Employment.

Ipinagmamalaki namin ang patuloy na pangunguna    ni Jinggoy sa iba’t ibang “nationwide senatorial polls” partikular ng Pulse Asia, Social Weather Stations (SWS), at ng Issues and Advocacy Center (The Center).

Sa Pulse Asia pre-election survey na isinagawa     noong December 8-10, 2009, nakuha ni Jinggoy ang pina­kamataas na 55.1% “preference rating” mula sa 1,800 respondents sa buong bansa.

Siya rin ang lumabas na “most favored senatoriable” sa pambansang survey ng The Center noong December 2-6, 2009, kung saan ay 53% sa 1,200 respondents ang nagsabing unang-una nilang isusulat ang kanyang pangalan sa balota para sa pagka-senador.

Nanguna muli si Jinggoy sa special national survey ng SWS sa antas na 56% preference rating mula sa 1,200 respondents mula sa Metro Manila, kabuuan ng Luzon, Visayas at Mindanao. Ang naturang survey ay isina­gawa naman noong November 4-8, 2009.

Ayon kay Jinggoy, kasa­bay ng kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga nagtiti­wala at sumusu­porta sa kan­ya ay lalo pa niyang pinagbu­ buti ang pag­sisilbi sa mga Pilipino. Pa­ngunahin kasi kay Jinggoy ang kapakanan ng mama­mayan, laluna ng masa, at partikular dito ang mga labis na nangangailangan ng tulong tulad ng mga OFW at iba pang manggagawa, mga kabataan, at ang bu­ong pa­mil­yang Pilipino.

Kasabay nito ay matatag din niyang isinusulong ang mga hakbanging para na­man sa kaunlaran, kara­pa­tang pantao, at kabuu­ang hustisya sa ating ban­sa. Sabi nga kasi kay Jing­goy, ang senador o sinu­mang “public servant” ng bansa ay dapat gampanan ang kanilang tungkulin nang buong-puso.

CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

ISSUES AND ADVOCACY CENTER

JINGGOY

METRO MANILA

PILIPINO

PULSE ASIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with