^

PSN Opinyon

May bentahe sa RFID

- Al G. Pedroche -

DAPAT pa sigurong gumawa ng education campaign   para maipaliwanag sa mga motorista ang bentahe ng programang Radio Frequency ID tagging. Sa kabila ng pagdududa ng ilang sector, gumamit ng political will ang LTO para maipatupad na ito simula pa nung Enero 4. Ma­ganda naman kasi ang intensyon ng proyekto. Matagal na itong ipinapatupad sa mga maunlad na bansa. Sa pagpapatupad ng LTO sa RFID, alinsunod sa  Department Order 2009-06 ng Department of Transportation and Communication, hindi na tayo kulelat sa ibang bansang gumagamit.

Sa RFID tagging matityiyak na ang mga sasakyan sa mga lansangan ay rehistrado sa LTO, pumasa sa smoke emission test, hindi sangkot sa anumang krimen o kaya’y may prangkisa mula sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) para sa mga public utility vehicles (PUVs). Tingin ko’y madali ring matukoy ang mga nakaw na sasakyan sa pamamagitan ng sistemang ito.

Mabisa rin ang RFID laban sa mga colorum vehicles. Kaya naman todo-suporta dito ang mga samahan ng tsuper at PUV operators dahil napakalaking kita na ang ninanakaw sa kanila ng mga operator ng colorum vehicles. Isa pa, binigyan na rin ng Commission on Human Rights (CHR) ng green light ang RFID tagging, sa pagsa­sabi nitong wala itong lalabaging karapatang-pantao ninuman. Oo nga naman. Tingin ko nga’y protektado pa ang mga may-ari ng sasakyan at hindi nalalabag ang human rights nila.

Kasi nga naman ay epektibo lang ang RFID scan-    ning sa radius na sampung metro at wala rin itong global positioning satellite capability kung kaya hindi pwe­deng gamitin sa surveillance ng RFID tulad ng pa­ngamba ng iba. Saka hindi mabigat sa lukbutan ang dagdag na ba­yad na P350 sa rehis­tras­yon kumpara sa paki­nabang ng motorista rito. Kasi, one-time  payment lang ito sa loob ng sampung taon. Lumalabas    na P35 lang bawat taon. O di ba mura?

Ma­liit na halaga iyan para sa pagsasa­ayos ng mga sasak­yan at trapiko sa bansa.

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

DEPARTMENT ORDER

HUMAN RIGHTS

KASI

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

RADIO FREQUENCY

SHY

TINGIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with