NASA ating kamay, hindi sa doktor, ang ating kalusugan. Kadalasan nagmumula ang sakit sa mga masasamang bisyo at ugali. Ang sampung sumisira sa utak, ayon sa mga eksperto, ay:
1. Walang almusal. Ang mga tao na hindi nag-aalmusal ay bumababa ang sugar level. Kulang ang nutrients na napupunta sa utak, kaya nakukurta.
2. Sobrang lamon. Nagpapatigas naman ito ng mga ugat papuntang utak, kaya nakakabawas ng abilidad mag-isip.
3. Paninigarilyo. Nagpapabagal ito sa pagdami ng brain cells, kaya maaring mauwi sa Alzheimer’s Disease.
4. Sobrang asukal. Ang masyadong pagkain ng matatamis ay sagabal sa pagtanggap ng katawan ng protina at iba bang pampasigla, kaya nagbubunsod ng malnutrition at pagbagal ng brain development.
5. Polusyon ng hangin. Utak ang pinaka-maraming ginagamit na oxygen sa katawan ng tao. Kapag madumi ang hangin, nababawasan ang oxygen na pumapasok sa utak, kaya nababawasan din ang pagka-episyente ng pag-iisip.
6. Pagpupuyat. Nakapagpapahinga ang utak sa pagtulog. Ang malimit na pagpupuyat ay pumapatay ng brain cells.
7. Pagtatakip ng ulo sa pagtulog. Kapag nakataluk-bong ng unan o kumot habang natutulog, ang nasisinghot ay carbon dioxide na inilalabas ng baga. Nababawasan din ang oxygen. Makaka-brain damage ito.
8. Pagpapagana ng utak kapag may sakit. Ang ma-tinding pagtatrabaho at pag-aaral habang maysakit ay nakakabawas ng episyenteng pag-iisip at maari ring mauwi sa brain damage.
9. Kulang sa pag-iisip. Ang pag-iisip ang pinaka-mabisang panghasa ng utak. Kung kulang, maaring lumiit ang utak.
10. Kulang na pagsasalita. Ang matatalinong usapan ay nakakadagdag sa pag-eehersisyo ng utak. Kung kulang, nakakakurta.