^

PSN Opinyon

Nakaw na motorsiklo ginamit ni Bgy. Chairman Itoy Ejercito

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

AYWAN ko kung anong mentalidad meron si Chairman Joey “Itoy” Ejercito ng Bgy. 190, Zone 17, District II, Manila. Mantakin n’yo mga suki, nagawang ariin ni Ejercito ang isang nakaw na motorsiklo sa halip na i-turn-over sa kapulisan. Ang lakas din naman ng apog ni Ejercito pinakabitan ng sidecar ang isang karnap na motorsiklo para ipagamit sa kanyang mga tanod sa pagroronda. Bukod sa pagroronda sa barangay, ipinagagamit din ito ni Ejercito sa pag-eescort sa libing. Tama sana ang pagi­ging Robin Hood ni Ejercito sa kanyang barangay, subalit mukhang maling halimbawa ito sa kanyang kabarangay. Ang nakaw ay hindi dapat gamitin sa kanyang personal na pamamaraan.

Chairman Ejercito gamitin mo ang Internal Revenue Alotment (IRA) mo, at nang maipagmalaki sa iyong constituents na hindi mo binubulsa ang pondo para sa iyong barangay. Get mo Chairman?  

Ayon sa may-ari ng motorsiklo na si Darwin Ano- nuevo, noong May 12, 2009 kinuha umano ng isang nag­ngangalang Ailene Dee ang kanyang motorsiklo na XRM 2006 model sa kanyang pinarkingan sa may F. Roxas St malapit sa kanto ng R. Papa St. Bo, Obrero, Tondo, Manila, sa pagitan ng 3:00 hanggang 3:20 ng madaling araw. Mula nang mawala ang kanyang motorsiklo ay hindi na niya ito nakita. Lumaki rin ang problema ni Anonuevo sa buhay dahil lumaki nang lumaki ang kanyang bayarin sa Finacing na kanyang kinunan ng motorsiklo. Katunayan maka-tatlong beses ng pinadalhan ng demand letters si Anonuevo ng kanyang pinagkautangan.

Bago magpasko may nakapagsabi kay Anoñuevo na nakita ang kanyang nawa­walang motorsiklo na ga-mit ng mga kagawad sa pagpapatrulya. Isang Ka­gawad Tawing umano ang madalas na may gamit ng motorsiklong kinabitan ng sidecar. At upang makom­pirma, kaagad na hinanap ni Anoñuevo si Kagawad Tawing. Nagulat siya nang makitang kanyang motor­siklo nga ang may naka­kabit ng sidecar ng bara­ngay. Susmaryusep!

Agad na siyang nagre­port sa Anti-Carnapping & Anti-Hijacking Section (ANCAHS) ng Manila Police District (MPD) sa Un­ited Nation Avenue, Ermita, Manila. Tinugunan agad ng ANCAHS ang reklamo ni Anonuevo at sa pangu­nguna ni SR. Insp. Randy Maluyo ay nakuha nga ang motorsiklo na may naka­kabit ng sidecar na may naka-tatak pang Barangay Patrol.

Kahiya-hiyang sitwas­yon ito Chairman Ejercito na sa mismong barangay hall mo nakita ang nakaw na motorsiklo . Kinumpirma ni Anonuevo na kanya nga ang motorsiklo na may engine number XRM13E­04­9205 at chassis no. XRM­13049295.

Ang sidecar na may pin­turang light blue ay may pangalan pa ni Chairman Joey “Itoy” Ejercito sa ga­wing likuran. Mukhang ipi­nalalandakan pa ni chairman Ejercito sa kanyang constituent na pag-aari na niya ang motorsiklong nakaw. Sumaryusep! Alam mo ba Chairman na labag sa batas ang iyong ginawa? O baka naman ipinakikita mo lang na kaya mong la­bagin ang batas? Calling DILG secretary Ronaldo Puno, pakihambalos, nga si Ejercito para hindi siya pamarisan ng mga matiti­nong chairman ng bara­ngay sa bansa.

Sampilungin mo rin Sec. Puno si Kagawad Ta­wing Dizon para maba­wasan ang kayabangan sa katawan. Ayon sa mga nakausap ko, madalas   may sukbit na baril sa bay­wang si Tawing.

AILENE DEE

ANONUEVO

CHAIRMAN

CHAIRMAN EJERCITO

CHAIRMAN JOEY

EJERCITO

KANYANG

MOTORSIKLO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with