^

PSN Opinyon

Arthur Mercado, owner ng XDM-943

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

TINUTUKAN ng baril ang mga batang sakay ng isang Toyota Innova ng habulin ito ng gagong driver ng isang Honda CRV color red na may plakang XDM - 943 hanggang sa loob ng Loyola Subdivision, Marikina City, noong December 26 ng gabi.

Sabi nga, hanggang sa may bahay nila! 

May kasamang bebot ang gagong nanutok ng boga kaya siguro malakas ang loob na mag-yabang sa mga hindi papalag.

Sabi nga, magpa-impress sa bebot!

Nataranta ang mga bata at kasamang tiyuhin nito sa takot na paputukan sila ng gagong driver ng XDM - 943 Honda CRV kaya pagkababa sa sasakyan nila ay mabilis na kumaripas ng botak ang mga bata para kalampagin ang kanilang gate at tawagin ang kanilang ermat at erpat.

Sabi nga, Help, help, I need somebody, help!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nanlilisik ang mata ng gagong driver ng XDM - 943 Honda CRV color red ng umalis ng haybol ng mga tinutukan niya kasi wala na siyang magawa sa kanyang pagyayabang dahil dumarami na ang mga nakakita sa katarantaduhan ginawa ng kamote.

Sabi nga, sangkaterba na ang eye - witness!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Ang ganitong gago ay dapat tanggalan ng gun license at permit to carry ng Philippine National Police dahil hindi ito responsible gun holder. Paging, CPNP Jess Verzosa, Sir.

Bakit aalisan ng gun license?

Sagot - madaling mag-amok ang kamote!

Naka-blotter sa Marikina police station ang reklamo ng mga biktima versus sa gago at kahapon ay na verify sa Land Transportation Office kung kanino nakapangalan ang nasabing sasakyan ng nanutok na driver.

Ang Honda XDM - 943 ay naka-rehistro sa pangalan ng isang Arthur Mercado, ng 708 Cluster U 1b San Francisco St., Mandaluyong City, ito ay nakuha sa talaan ng Land Transportation Office.

Dapat puntahan ng Marikina Police ang nasabing lugar para maimbita ang si Arthur Mercado, at magbigay linaw kung siya o ituro kung sino ang may dala ng sasakyan noong manutok ito sa mga pobreng alindahaw.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na trauma ang mga bata ng tutukan ng boga kaya dapat managot ang culprit.

Sabi nga, dapat lang!

Just wait and see dahil hindi ito lulubayan ng mga kuwago ng ORA MISMO.

Hindi yata alam ng gago kapag binunot at itinutok ang boga ay dapat iputok dahil ang baril ay hindi laruan o panakot lamang at lalong hindi pang yabang.

Sa ginawa mong kagaguhan tiyak kapag nakuha ka ng mga autoridad ay luluhod kang parang inosenteng kamote sa mga tinutukan mo at paiyak - iyak na magsasabing ‘ I’m sorry hindi ko na uulitin.’ Hehehe!

Abangan.

* * *

January 10, total gun ban!

 LAST year pa ibinibida ni PNP Chief Jess Verzosa sa mga kuwago ng ORA MISMO, ang pangarap niyang magkaroon ng election total gun ban ngayon papalapit ang election dahil gusto niyang maiwasan ang patayan blues sa magkakalaban pupol este mali politiko pala sa Philippines my Philippines.

Sangkaterba pa rin kasi ang mga private armies ng mga politiko lalo’t iyong mga mararaming pitsa hindi lamang sa Mindanao ang pinaguusapan natin kundi sa iba’t ibang probinsiya.

Sabi nga, ala - warlords!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ginagamit din daw ng mga politiko owner ng security agency ang kanilang mga guardia sibil bilang private armies.

Ika nga, tama!

Sabi ni Jess, lahat ng mga privilage para makabitbit ng boga sa ilalim ng ‘permit to carry firearms outside residence ay suspended sa loob ng election period.

Ika nga, up to June 10, 2010!

Lahat ng police security escort na naka-assigned sa mga government official, Very Important Persons at private individual ay kasama sa gun van este mali ban pala.

Sa kuento ni Jess, ang PNP, AFP, NBI, private detective agency ang puedeng magdala ng boga during collection este election period pala at ang mga ito ay kailangan in proper uniform at siempre kapag naka-security duty sila exempted sila sa paiiralin butas este mali batas pala.

Hindi puede ang naka-suot ng civilian na magdala ng boga dahil tiyak huli sila.

Mga kamote sumunod kayo sa utos ni Jess para hindi kayo makalaboso.

Sabi nga, himas karsel!

ANG HONDA

ARTHUR MERCADO

AYON

CHIEF JESS VERZOSA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with