^

PSN Opinyon

Masaya si Col. De Joya, ang bagman ni Puno

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MUKHANG ipipilit talaga ni Interior Sec. Ronaldo Puno na maipanalo ang manok niya na si dating Defense Sec. Gilbert Gibo Teodoro sa 2010 elections. Sa ngayon kasi mga suki, ipinupuwesto na ni Puno ang mga bataan niya sa mga sensitibong puwesto sa PNP habang ang kampo nina Sen. Noynoy Aquino at dating Senate Pres. Manny Villar ay hindi nakatingin. Kung ano man ang magiging role ng mga bagong upo na opisyales ng pulisya sa May election, si Puno lang ang nakaaalam. Pero sinisiguro ko mga suki na ang loyalty nila ay sa kampo nina Puno at Gibo. Kaya kung binabalewala ng kampo nina Aquino at Villar itong mga reshuffle sa PNP baka magising na lang sila na nasa tabi na nila si Gibo sa darating na mga survey. At tiyak kapag umangat sa survey si Gibo, malaking papel ang ginampanan diyan ng mga alipores ni Puno na mga pulis.

Naging matahimik ang paglatag ni Puno ng mga bataan niya sa ilang puwesto ng PNP noong nakaraang Dis­ yembre. Subalit may kasunod pa na reshuffle sa buwan na ito na nagdudulot ng demoralisasyon sa hanay ng senior officers ng PNP. Kasi nga ang mga provincial directors na ang mga gobernador ay hindi kaalyado ng Mala­cañang ay titigpasin na sa susunod na mga araw. Kayat maraming provincial directors sa ngayon ang hindi makakatulog dahil alam nila hindi na sila tatagal pa sa mga puwesto nila. At ang masaklap pa, panay si Puno ang may mando o pumili ng mga kapalit nila at hindi na sinangguni ang liderato ng PNP. Dapat kumilos na itong sina Aquino at Villar para magprotesta bago maging huli na ang lahat.

Kaya pala nagpupursigi si Puno na i-ammend ang PNP law para mawala sa kamay ng mga gobernador ang karapatan na mamili ng kanilang provincial director eh me hidden agenda pala siya. At ‘yan ay ang pagpa­nalo ng manok niya na si Gibo. Marami kasing mga senior officers ng PNP na gusto ng mga gobernador na umupo bilang provincial director nila subalit inaya­wan ni Puno. Karamihan pa sa mga kandidato sa pagka-provincial director ay du­maan sa masusing deliberation ng Senior Officers Placement and Promotion Board (SOPPB) sa Camp Crame. Ang lahat na senior officers na binigyan ng basbas ng SOPPB na ma­upo sa mga probinsiya ay hindi nasunod ni isa man lang. Ika nga lapnos ang buong listahan nila. Paano na lang ang ipinagyaya­bang ng PNP na transformation program nila? Ka­tawa-tawa, di ba Dep. Dir. Gen. Edong Acuna Sir? Kung maingay si Sir Edong sa PNP, aba sobrang tahi­mik pala siya kapag si Puno ang magmaniobra.

Habang abala naman si Puno sa pag-upo ng mga alipores niya sa PNP, muk­hang nakaligtaan niya ang kampanya sa jueteng. Kaya nakangisi ngayon ang gambling lords na sina Mon Preza sa Laguna, Don Ra­mon sa Occidental Mindoro at Jun Lingat sa Iloilo dahil abala si Puno na maipa-nalo nga si Gibo. Siyempre, masaya rin si Col. De Joya, ang bag­man ni Puno sa jueteng da­hil tuluy-tuloy ang agos ng gripo niya.

Abangan!

AQUINO

CAMP CRAME

DE JOYA

GIBO

KAYA

NILA

PNP

PUNO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with