^

PSN Opinyon

Kasalanan pa rin lahat ni GMA

SAPOL - Jarius Bondoc -

INAAKO ni Press Sec. Cerge Remonde ang kasalanan kung bakit bagsak ang public rating ni Gloria Macapagal Arroyo. Kalalabas lang ng bagong survey na 61% ng mga Pilipino ay muhi sa kanya. Halos pareho ito ng huling survey tatlong buwan ang nakalipas, kung saan 62% ng mga Pilipino ang diskuntento sa palakad niya.

Natural ang pag-ako ni Remonde ng pagkakamali. Tungkulin ‘yon ng isang Cabinet member. Sa presidential system, merong fixed term ang Presidente, di tulad ng Prime Minister sa parliamentary na maaari ibagsak kelan man ng mayorya ng kasapi. Sa presidential, ang Cabinet members ay pinupulot ng Presidente kung saan-saan, pero sa parliamentary mga kapwa sila kasapi. At dahil fixed term ang Presidente, kelangan pangalagaan nang husto ang imahe nito. Kapag nagka-malaking aberya sa administrasyon, merong mapagbibintangan ang publi-ko imbis na ang Presidente. Ito ang Cabinet member o sinomang appointive official na pinaka-dispensable o puwedeng isakripisyo. Halimbawa bumagsak ang ani dahil sa bagong patakaran ng Presidente, ang “pupugutan” ay hindi siya kundi ang Secretary of Agriculture.

Mabait na sundalo si Remonde. Sa kanyang pag-ako ng sala, inililigtas niya ang amo mula sa batikos. Pero sa totoo lang, hindi mapapagtakpan ng anomang pag-ako ng miski buong Gabinete ang poot ng mamamayan kay Arroyo. Ni hindi nga rin ito mapagtakpan ng Kongreso na sinusuhulan ni Arroyo taun-taon para hindi siya i-impeach. Hindi siya mapagtakpan ng local officials o ng hudikatura. Bistado na siya.

Matalino ang mamamayan. Alam nila na si Arroyo ang pinaka-marumi mula nang ibagsak ang diktador na Marcos. Alam nila na lumala ang krimen sa ilalim ni Arroyo — lalo ang pag­patay, pagkidnap at pag-torture sa mga militante, mamamahayag, at mahis­trado.

Alam nilang hindi halal na Presidente si Arroyo, dahil nandaya lang nu’ng 2004 sa tulong nina Garci at Ampatuan.

At alam nilang kapit-tuko lang siya sa poder.

ALAM

AMPATUAN

ARROYO

CERGE REMONDE

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PILIPINO

PRESS SEC

PRIME MINISTER

REMONDE

SECRETARY OF AGRICULTURE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with