^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ngayong 2010 corruption ay sipain

-

ANG nakaraang 2009 ay hindi lamang nabat-bat nang malalagim na trahedya kundi na­puspos din ng grabeng corruption at anomalya. Kaya naman marami ang nag-wish na sana itong 2010 ay mawala na kundi man mabawasan ang mga nangungurakot sa kaban ng bansa. Mas magkakaroon anila nang pagkakataong gumin­hawa at maging mabuti ang buhay ng mga Pinoy kung mawawasak ang corruption. Kung malilipol ang mga kurakot, magkakaroon na ng pag-asa ngayong 2010.

Maski ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ay nagsabing ang 2010 ay ma­gandang oportunidad sa bawat Pilipino para tulu­yang mawasak na ang nangyayaring sistema sa bansa kung saan ang mga kurakot ang nangingiba­baw. At mawawasak lamang anila ito sa pamama­gitan ng election. Sa May 2010 ay maghahalal na ang mga Pilipino ng bagong pinuno at ito na raw ang pagkakataon para iboto ang inaakalang maka­tutulong sa mamamayan para labanan ang mga kurakot. Dapat na raw magkaroon ng political reform sa bansa. Dapat nang palitan ang mga pinu­nong ang pansarili lamang ang inaatupag. Hindi dapat sayangin ang pagkakataon na makaboto sa­pagkat sa paraang ito lamang maipakikita na ang mga Pilipino ay marunong nang pumili ng taong mamumuno. Hindi na katulad sa mga nakaraan na ang election ay nahaluan ng pan­daraya.

Tama ang CBCP na magandang oportunidad ang 2010 para lubusang mapaalis ang mga nag­sasaman­tala sa kabangyaman at iiwang walang laman. Dapat magkaroon ng political reform. Iboto ang inaakalang mahusay na leader na hindi magpapahirap o lilimas sa salapi ng taumbayan.

Magandang simula ang 2010 at sana’y mag­kaisa ang lahat para lubusan nang malipol ang mga corrupt. Umpisahan sa May 2010 elections. Ito ang tanging paraan para makamit ang ina­asam na pag-unlad ng bansang ito.

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DAPAT

IBOTO

KAYA

MAGANDANG

PILIPINO

SA MAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with