^

PSN Opinyon

Pagpapakita ng Panginoon

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

NGAYON ang pagdiriwang ng Pagpapakita ng Panginoon matapos maipagdiwang natin ang Bagong Taon 2010. Sa wikang Ingles ito ang Epiphany of our Lord, sa Greek “diaphany o theophany”. Ang tala sa pagsilang kay Hesus ang nagliliwanag sa atin sa kaningningan ng Panginon. Sabi ni Isaias; “Bumangon ka, Jerusalem, at magliwanag tulad ng araw”. Ito din ang pagpapahayag sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu.

Sa lumang liturhiya ito ang tinatawag na kapistahan ng pagdalaw ng mga Pantas o binansagan nating Tatlong Hari o Three Kings. “Nakita namin sa Silangan ang kan-yang tala at naparito kami upang sambahin siya”. Ito rin ang patotoo ng propeta na: “At ikaw, Betlehem, sa lupain ng Juda, ay hindi nga huli sa mga pangunahing bayan ng   Juda. Sapagkat sa iyo lilitaw ang isang pinuno na mama­mahala sa aking bayang Israel”.

 Ang pagdalaw ng mga Pantas at pag-aalay ng kanilang mga regalo ang nagbigay sa atin ng banal at mayamang kahulugan sa ating pananampalataya sa Diyos. Ginawa silang kasangkapan ni Haring Herodes upang maisagawa niya ang pagpatay sa Sanggol na si Hesus subalit hindi siya nagtagumpay. Iniligay sila ng anghel sa ibang daraanan pabalik sa kanilang bayan. Ang kanilang mga regalong ginto, kamanyang at mira ang nagpahayag kung sino ba ang sanggol na isinilang sa sabsaban. Ang ginto ang nagpahayag ng Maringal na pagka Diyos ng sanggol na si Hesus, ang kamanyang ang kanyang pagka-pari sa bagong tipan at ang mira ang pagka-propeta na magbu­bulid ng sariling aral.

Isang istorya ang nabasa ko na bukod daw sa tatlong pantas ay meron pang isa na ang dalang regalo ay dia­mante. Hindi niya matagpuan ang sabsaban. Sa kanyang pagtatanong sa isang taha­nan ay pinakain pa siya. Nakita rin niya ang isang sanggol. Biglang nagdati­ngan ang mga kawal na inutusan ni Herodes upang patayin ang lahat ng mga sanggol. Bilang pasasala­mat ng pantas sa maybahay ay sinabi niya sa mga kawal na walang bata roon. Para hindi magpumilit ay ibinigay niya ang kanyang dala-da­lang diamante at sila’y lumi­san. Ayon sa istorya, ang sang­ gol sa tahanang yaon ay si Simon ng Sireneo (Simon of Cyrene). Abangan sa Mar­so ang susunod na kabanata!

Is 60:1-6; Salmo 71; Efeso 3:2-3a, 5-6 at Mt 2:1-12

BAGONG TAON

DIYOS

HARING HERODES

HESUS

JUDA

NAKITA

SHY

SIMON OF CYRENE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with