'Doc meron akong allergy'
Dear Dr. Elicaño, tanong ko lang po kung gaano kapanganib kapag mayroong allergy. Kasi po kapag nakakain ako ng hipon at manok ay namamantal ang buo kong katawan at namamaga. May isang pagkakataon na ang mukha ko ay namaga at halos hindi ako makakita dahil sobrang laki ng mukha ko. Nakamamatay po ba ang ganito?” — MAYBELLE ng Tondo, Manila
OO, delikado ang pagkakaroon ng allergy kaya kapag may sintomas na umaatake ito dahil sa iyong kinain o allergen, dapat agarang magpadala sa ospital para mabigyan ng immediate treatment.
Mas delikado kapag ang allergy ay nag-trigger ay ang tinatawag na anaphylactic shock o anaphylaxis. Nakamamatay ang ganitong atake sapagkat nahihirapang huminga ang pasyente, bumababa ang blood pressure, namamaga ang bibig at lalamunan at maaaring mawalan ng malay. Nangyayari ang ganito sa loob ng 15 minuto makaraang mag karoon ng contact sa allergen ang isang tao. Ang sintomas ng anaphylaxis ay maaaring magtagal ng ilang oras.
Nararapat na isugod agad sa ospital kapag ang sinto-mas ng anaphylaxis ay naramdaman. Kapag agad na nagamot ang anaphylaxis, mataas ang chance ng survival. Kahit na nawala na ang sintomas ng anaphylaxis, dapat pa ring manatili sa emergency room ang pasyente.
Iineksiyunan ng epinephrine ang may anaphylaxis. Sa mga nakaranas na ng ganitong kalubhang allergic reaction, ipinapayo ko na magdala nang emergency dose ng epinephrine sa lahat ng oras. Lagi na ring magdala ng tag o identification card kung saan ay nakasaad ang in-yong medical history at allergies.
Maaari kayong bigyan ng inyong doctor ng prescription ng epinephrine subalit kailangang magpaturo sa paggamit nito para hindi magkamali. Ang maling quantity ng epinephrine sa syringe ay maaaring magdulot ng serious complications.
Mayroong mabibiling epinephrine in “pen” form na madaling maiineksiyon sa katawan.
- Latest
- Trending