^

PSN Opinyon

Ang hinaharap ng mga batang-lansangan

- Al G. Pedroche -

ILANG saling-leader na ang lumabas-masok sa eksena pero ang kahirapan ay nagdudumilat pa rin. Nasasalamin sa dami ng mga taong sa bangketa natutulog. Sa tingin ko’y lumulobo imbes na nababawasan ang bilang nila sa paglipas ng mga araw. Lalung nakalulunos ang mga batang-paslit na gumagala at halos makipag-patintero sa mga humaharurot na sasakyan para humingi ng limos.

Huwag daw limusan ang mga batang ito anang DSWD. Okay sana kung may ginagawang supisyenteng programa ang gobyerno para sa mga pulubi. Kaso wala maliban sa “dole-out”. Minsan’y napag-usapan namin ito ni Bro. Eddie Villanueva, ang presidential candidate ng partidong Ba-ngon Pilipinas. Aniya, tila kuntento na ang gobyerno sa pagbibigay ng “dole-outs” sa mga pulubi imbes na tala-gang hanguin sila sa pagdarahop.

Halimbawa aniya, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay mayroong Christmas program sa mga batang-lansangan. Ang mga batang ito’y sinisilbihan ng mainit na makakain sa pagitan ng alas-kuwatro ng hapon hanggang alas-otso ng gabi mula December 11 hanggang January 12, 2010. Tanong ni Bro. Eddie, “bakit walang long-range program ang DSWD kaugnay ng problemang ito?”

Gayunman, pinuri ni Bro. Eddie ang mga masisipag na social workers ng DSWD pero aniya, kailangan ang mga polisiya at palatuntunang tutugon nang pangmata­ galan sa paglutas sa kahirapan, lalu na para sa mga paslit. Ang “dole-out” ay panadalian. Kapag naubos na, balik sila sa pang­hihingi. Ayon mismo sa DSWD, sa buong bansa ay 200,000 ang bilang ng mga street-children. Pitumpung libo sa mga ito ang nasa Metro Manila.

Adbokasiya ni Bro. Eddie ang kapakanan ng mga bata. Ipinatutupad ito ng Jesus is Lord Church sa pama­magitan ng ministeryong iCARE, ang compassion mi­nistry arm ng JIL. Si Bro. Eddie ang dating JIL Church’s Spiritual Director hang­-gang sa siya’y nag-leave para kumandidato sa pagka-pangulo sa darating na 2010.

Kung maipatutupad ang konsepto ni Bro. Eddie na may lakip na pagbibi­gay ng edukasyon sa mga batang-lansangan upang sila’y maging produktibo imbes na nagpapalimos, walang pasubaling matu­tuldukan na ang problema.

vuukle comment

ADBOKASIYA

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

EDDIE

EDDIE VILLANUEVA

LORD CHURCH

METRO MANILA

SHY

SI BRO

SPIRITUAL DIRECTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with