^

PSN Opinyon

Yassay biktima ng cyber scam

- Al G. Pedroche -

INGATAN ang inyong internet account at huwag bayaang makuha ng ibang tao ang iyong password. Kaso, kahit anong pag-iingat ang gawin, matitinik talaga ang ilang cyber experts sa pagbulatlat sa ating mga accounts. Kailangan talaga ang isang mahigpit na batas laban dito.

Alam n’yo ba na itong si Atty. Perfecto Yassay Jr., vice presidential bet ng Bangon Pilipinas ay nabiktima ng internet scam? Isang hacker ang nakakuha ng detalye ng kanyang internet account at nagsimulang nag-solicit ng tulong pinansyal sa mga kaibigan niya dahil umano sa isang pinsan na may malubhang karamdaman sa London.

Ganito ang nakasaad sa email message na balu-baluktot pa ang grammar: “I will like you to please assist me with a soft loan, of $1,500 urgently to sort-out my Cou-sin’s bills, i promise to repay you back as soon as i return  back home to Philippines, the hospital management is demanding for a deposit of $1700 before they can  carry out the surgery operation but she has been place on a temporary medical care prior the time we make the deposit.”

Sa panahong “high-tech” pati pandarambong at pan­loloko ay high-tech na rin. Pati nga mga credit cards ay puwedeng I-hack ng mga cyber criminals. Malalaman mo na lang na mayroon kang malaking pagkakautang.

Kaya umaapela si Yassay sa Kongreso na makapag­sabatas ng mabigat na parusa sa mga cyber criminals. May mga nakaraang pagsisikap na magkaroon ng ganyang batas pero dahil sa posibilidad na invasion of privacy sa mga internet users, hindi ito nagtagumpay. Ayon sa pinakahuling estadistika na ipinalabas ng Nielsen Media Research, umaabot na sa 24 milyong Pilipino ang internet users. Pero hangga ngayon ay wala pa ring batas laban sa mga cyber crimes.

“We have to push for a legislation agenda that would strike a balance between giving a teeth to cyber security on one hand, and protecting the indivi­dual’s right to privacy, on the other hand,” Ani Yassay.

Kaya habang wala pa tayong proteksyon laban sa mga cyber criminals, mag-ingat na lang po tayo.

Kung mabibiktima tayo sa kabila ng pag-iingat, pasensya na lang at walang batas na makatutulong sa atin.

ALAM

ANI YASSAY

AYON

BANGON PILIPINAS

COU

CYBER

KAYA

NIELSEN MEDIA RESEARCH

PERFECTO YASSAY JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with