Pinagpala ang iyong sinapupunan!
NGAYON ang huling linggo ng ating paghahanda sa darating na Kaarawan ni Hesus. At sinimulan natin noong ika-15 (gabi) at 16 (madaling araw) ng Disyembre ang novenario o siyam na araw na paghahanda sa Kapaskuhan.
Ipinahayag sa atin ni Mikas sa Lumang Tipan na ang maghahari sa Israel ay isisilang sa lugar ng pinakamaliit na angkan ni Juda sa Bethlehem Efrata. Kaya’t sa pasa salamat ng Sangkalupaan ay sabay-sabay nating ipahayag ang Salmo: “Lord, make us turn to you, let us see your face and we shall be saved”. Muli nating akitin ang Poong Mahal upang tayo ay iligtas at tanglawan.
Maging sa Hebreo ay ipinahayag ang pasasalamat ni Hesus: “Narito ako, O Diyos upang tupdin ang iyong kalooban ayon sa nasusulat tungkol sa Akin”. Maging si Maria ang pinili ng Diyos Ama upang sa pamamagitan niya ay maging normal at natural ang pagpapadala Niya sa Sansinukob ng Kanyang Anak na si Hesus. Sa kanyang pagdadalantao ay mababang loob pa niyang dinalaw (nagmamadaling pumunta) ang kamag-anak na si Elizabeth na anim na buwan na ring nagdadalantao sa kanyang anak na si Juan.
Napuspos si Elizabeth ng Espiritu Santo at buong galak na sinabi: “pinagpala ka sa mga babae at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan! Sino ako upang dalawin ng Ina ng aking Panginoon? Naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan. Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasasabi sa iyo ng Panginoon”. Maging si Elizabeth ay pinagpala rin ng Panginoon na sa kabila ng kanyang katandaan at pagiging baog na nagsilang pa rin sa kanyang anak na si Juan Bautista.
Ang aking katanungan sa ngayon ay bakit napakarami pa ring mga kababaihan ang nagpapalaglag o tahasang pumapatay sa mga sanggol sa kanilang sinapupunan. Kayong mga babae ay lubusang pinagpala ng Diyos sapagka’t sa pamamagitan ninyo ay patuloy ang paglikha Niya sandaigdigan. Inyong ingatan ang tanging kayamanan ang inyong sinapupunan. MALIGAYANG PASKO!
Mi 5:1-4a; Salmo 79; Heb 10:5-10 at Lk 1:39-45
- Latest
- Trending