Utang na ayaw pabayaran
KASO ito ng mag-asawang Noli at Cely. Noong Disyembre 11, 1987, nangutang ang mag-asawa ng P700,000 mula sa MTLC. Bilang prenda, isinangla nila ang kanilang lupa kasama ang apat na palapag na gusaling nakatayo rito. Dapat bayaran ang utang sa loob ng anim na buwan sa interes na 3% porsiyento kada buwan. Kung hindi mabayaran, maaaring humingi pa sila ng dagdag na anim na buwang palugit. Hindi nakabayad sa oras si Noli kaya’t noong Hulyo 16, 1989, umabot na ang utang sa kabuuang halaga ng P1,071,256.66.
Upang makabayad, muling nangutang si Noli sa isang banko (PNB). Ginamit niyang prenda ang parehong ari-arian na nakasangla sa MTLC. Noong Hulyo 8, 1989, inaprubahan ng PNB ang pagpapautang sa mag-asawa ng halagang P1,300,000 sa kondisyon na makukuha lamang ang pera sa oras na ipakansela ang sangla sa MTLC.
Ipinaalam ni Noli sa MTLC ang tungkol sa pagpayag ng PNB. Noong Hulyo 20, 1989, gumawa siya ng kasulatan (special power-of-attorney) pabor kay Espie, ang presidente ng MTLC upang makuha nito ang perang inuutang ng mag-asawa sa PNB. Kinumpirma din ng banko kay Espie ang tungkol sa pag-utang ng mag-asawa ng P1,300,000. Hiningi lang ng banko na pumirma muna si Espie ng “deed of cancellation of mortgage” bilang patunay na kinakansela na ang pagkakasangla ng lupa bago niya makuha ang pera. Nagalit si Espie nang malaman niya na ang lupang isinangla ng mag-asawa sa banko ay ang mismong lupang nakaprenda sa kanya. Ayaw pirmahan ni Espie ang mga dokumento at ayaw din niyang kunin ang P1,300,000 sa PNB. Katwiran niya, dapat daw ipinaalam muna ng mag-asawa sa kanya ang ginawa at hini-ngi muna ang kanyang per-miso bago nangutang sa PNB. Kaya sa halip ipinailit ni Espie ang lupa ng mag-asawa noong Hulyo 28, 1980.
Upang pigilin si Espie, nagsampa ng kaso (action for specific performance, damages and preliminary injunction) ang mag-asawa. Ayon sa kanila, hindi tama na ilitin pa ang lupa dahil nagka- ayos na sila ng MTLC. Una, sadyang walang basehan si Espie upang hindi tanggapin ang bayad sa utang kaya nararapat lamang na magbayad siya ng danyos. Pangalawa, dapat ituring na bayad na sila sa utang dahil walang rason kung bakit ayaw tanggapin ng MTLC ang perang makukuha ng mag-asawa sa PNB. Tama ba sila?
Tama sila sa pagsasabing walang basehan sa batas si Espie upang hindi tanggapin ang bayad sa utang. Ayon sa batas (Art. 2130 Civil Code), maaaring ilipat ng may-ari ang kanyang interes sa kabuuan ng lupang isinangla niya. Kung kaya niya itong ibenta kahit pa nakasangla sa iba, ibig sabihin ay kaya rin niya itong muling isangla sa iba. Kung tutuusin, mas mababaw pa nga ang ginawa nila sa karapatang ibinigay sa kanila ng batas. Walang basehan si Espie na utusan ang mag-asawa na hingin muna ang kanyang permiso bago mangutang sa PNB. Isa pa, kung tinanggap lamang ng MTLC ang perang ibinabayad ng PNB, talagang makakansela na rin ang sang-la. Dahil walang basehan, nararapat lamang na magbayad si Espie ng danyos alinsunod sa batas (Article 19 Civil Code), na nagdidikta na obligasyon ng bawat tao na laging ma-ging tapat at maayos sa pakikitungo sa kapwa.
Tungkol naman sa obligasyon ng mag-asawa na bayaran ang utang, kahit pa ayaw tanggapin ni Espie ang bayad nila ay hindi ito nangangahulugan na bayad na sila sa MTLC. Upang ituring na bayad na ang utang, dalawang kondisyon ang hinihingi ng batas, una, dapat mag-alok ng bayad (tender of payment) at ikalawa, dapat ilagak ang pera sa korte o ang tinatawag sa ingles na “consignation”. Sa kasong ito, malinaw na naka kuha na ang mag-asawa ng pamba-yad sa utang nguni’t dahil sa ayaw ni Espie na i-release yung sangla, hindi rin mabayaran ang utang. Sa ilalim ng ganitong pangyayari, ito’y parang pag-alok na rin nila ng bayad sa utang. Kaya makatuwiran lamang na pakawalan na sila sa obligas- yon na magbayad pa ng interes sa utang nila.
Ipinag-uutos ng korte sa MTLC at kay Espie na 1) kanselahin na ang pagkakasang-la ng mag-asawa upang makuha na ang perang ibinabayad mula sa utang sa PNB, 2) tanggapin nila ang pera mula sa PNB katumbas ng utang ng mag-asawa hanggang Hulyo 20, 1989, 3) magbayad sila ng P100,000 bi- lang danyos (moral damages), 4) P20,000 (exemplary da-mages) upang huwag tularan ng iba, P22,000 gastos sa kaso at 10% ng kabuuan bilang bayad sa abogado.
Lahat ng ito ay ibabawas sa ibabayad sa kanila ng PNB sa utang hanggang Hulyo 20, 1989 (Go Sinco vs. Court of Appeals et. al., G.R. 151903m October 9, 2009).
- Latest
- Trending